Jopet Sison

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Joseph Peter “Jopet” Sison ay politiko at kilalang personalidad sa telebisyon.

Si Sison ay ipinanganak noong 19 Oktubre 1965 kina Jose Sison, abogado at isa sa mga nagpasimula ng journalistic legal education sa Pilipinas. Siya ay nagtapos ng Bachelor of Law sa Manuel L. Quezon University. Kasama ang kaniyang ama, si Sison ay kilalang co-host ng Ipaglaban Mo, isang programang pantelebisyon na nagsasadula ng mga kaso na idinudulog sa husgado. Dahil sa programa, mas nailalapit sa mga pangkaraniwang tao ang mga usapin sa batas. Matatagpuan sa Greenhills ang law office ng mag-ama na nagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga higit na nangangailangan ukol sa mga kasong kinahaharap ng mga ito.

Naging konsehal din si Sison sa Lungsod Quezon sa loob ng anim na taon at naging tagapangulo ng Partido Liberal sa chapter nito sa lungsod. Naging assistant general manager din siya sa National Housing Authority (NHA) mula 2001 hanggang 2005 at pangulo ng National Home Mortgage Corporation (NHMFC) mula 2006 hanggang 2012.

Si Sison ang humalili kay dating Pangalawang Pangulo Noli De Castro sa senatorial slate ni Isko Moreno sa Halalan 2022, sa ilalim ng Aksyon Demokratiko Party.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.