Jologs
Jump to navigation
Jump to search
Baduy, cheap, hip-hop, at makaluma. Ilan lamang ito sa mga kilalang termino na katumbas ng salitang “jologs.” Gayunpaman, nagkakasundo ang mga lingguwista at mananalaysay na nag-ugat ang paggamit sa salitang ito sa mga titik ng kantang Original Pilipino Music (OPM) noong 1990s ng nagsisimulang mauso ang paggamit ng Internet. Simula noon, unti-unting nagkaroon ng iba't ibang kahulugan ang salitang “jologs” na karaniwang iniuugnay bilang panlilibak o panlalait. Ilan sa mga sosyolihista ay naniniwala na nag-ugat ang “jologs” sa salitang diyolog (dilis + tuyo + itlog), bilang pagkain ng mahihirap. Bukod dito, tinagurian ding “jologs” ang mga tagahanga ng sikat na aktres na si Jolina Magdangal.
Mga Sangguninan
- Jologs. Urban Dictionary. Hinango noong Hulyo 24, 2008.
- Jologs. Pinoy Slang. Hinango noong Hulyo 24, 2008.
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |