Joi Barrios

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Joi Barrios, na ang buong pangalan ay Maria Josephine Barrios, ay isinilang noong 29 Hunyo 1962 sa Lungsod Quezon. Nakamit niya ang pagiging doktorado sa Panitikang Filipinas 1998) sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Si Barrios ay nakilalang makata, mandudula, kuwentista, at kritiko, lalo sa larang ng kababaihan. Kabilang sa kaniyang mga akda ang Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma (1990); Bailaya: Mga Dula Para sa Kababaihan (1997); Minatamis at iba pang Tula ng Pag-ibig (1998); at Prince Charming at iba pang Nobelang Romantiko (2001).

Sanggunian

  • Almario, Virgilio S. Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas. Lungsod Pasig: Anvil Publishing House, 2006.

Template:Katiting

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.