Jerrold Mangliwan

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Jerrold Mangliwan.

Si Jerrold Pete Mangliwan (ipinanganak noong 17 Oktubre 1979) ay isang Pilipinong wheelchair racer na siyang kumatawan sa Pilipinas sa 2014 Asian Para Games, 2016 Rio Paralympics at 2020 Summer Paralympics.

Nagkasakit ng polio si Mangliwan sa edad na dalawang taong gulang. Nagsimula siya sa wheelchair racing noong 2009 matapos siyang kumbinsihin ng kaniyang mga kaibigan at coach na subukan ang para athletics.

Karera bilang Atleta

Dalawang beses nakakuha ng gintong medalya si Mangliwan sa ASEAN Para Games para sa 100m at 200m T52 race. Nakakuha rin siya ng silver medal sa 400m T52 race. Mayroon siyang record na 16.79 sa 2012 London Games. Nagtapos siya sa ikapitong puwesto sa 2016 Rio Paralympics.

Nakapasok si Mangliwan sa Tokyo Paralympics base sa kaniyang mga naging puntos sa mga nakaraang patimpalak. Sa 2020 Paralympics, si Mangliwan ang kinatawan ng bansa sa Para athletics Men's 400m T52, Men's 1500m T52, at Men's 100m T52. Nakuha niya ang ikalimang puwesto sa Men's 400m T52 ngunit nadiskwalipika dahil sa lane infringement. Nakuha niya ang kaniyang personal best sa bilis na 1:00:80.

Nakuha niya ang ikawalong puwesto sa men's 100m T52 finals sa bilis na 20.08.

Personal na Buhay

Ipinanganak si Mangliwan sa Tabuk, Kalinga. Kasalukuyan siyang naninirahan sa San Jose del Monte sa Bulacan kasama ang kaniyang asawang si Rosie at tatlong mga anak. Nagtapos siya ng Mass Communication sa Trinity University of Asia sa Quezon City.

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.