Jeronimo de Silva

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Jerónimo de Silva ay ang ika-17 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Siya ang pinuno ng mga gawaing militar bago siya naatasang maging gobernador-heneral noong 1624. Siya ang pumalit kay Alonso Fajardo de Entenza. Naglingkod siya mula Hulyo 1624 hanggang Hunyo 1625.

Nakatakda sanang humalili si Silva sa pamangkin nitong lalaki na si Gobernador-Heneral Juan de Silva nang ito ay mamatay, ngunit abala pa siya noon sa pakikipaglaban sa mga Dutch sa Mollucas.

Pinangunahan niya ang armada (malaking pangkat ng mga barkong pandigma) ng mga Espanyol at nagapì ang mga piratang Dutch malapit sa Playa Honda. Gayunman, nakatakas pa rin ang mga Dutch. Nakulong si Silva nang mabigô itong mabihag ang mga Dutch.

Sanggunian

Carlos L. Quirino, ed. Maria Eloisa G. Pargo de Castro. “Governors-General of the Philippines.” Old Manila 2nd Edition, p. 290. Quezon City: Vibal Foundation, 2020.