Jed's Island Resort

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Jed's Island Resort ay isang paliguang matatagpuan sa McArthur Highway, Calumpit, Bulacan. Isa ito sa pinakamalalaking resorts sa lalawigan, kundi man sa buong Gitnang Luzon, na biubuo ng labing isang swimming pool.

Pinagmulan

Nagsimula ang Jed's Island Resort bilang isang bahay-pahingahan ng isang taga-Apalit, Pampanga. Binuksan ito sa publiko noong 27 Marso 1995 at naging sikat sa mga Bulakenyo. Matapos ang walang tigil na pagtatayo ng panibagong istraktura at pagpapaayos ng mga pasilidad, lalo itong naging popular nang maitampok sa ilang pelikula at programa sa telebisyon.

Mga Tampok

May lawak na walong hektaryang lupain, isa na ang Jed's Island Resort sa pinakamalalaking resorts sa Gitnang Luzon. Mayroon itong labing isang swimming pool, mahigit tatlong daang kubo, tatlumpu't limang silid na airconditioned, dalawang tulay, apat na hektaryang palaisdaan, function room, basketball court at malawak na parking.

Nakapalibot ang mga tauhan ng resort upang tiyakin ang kaligtasan at maayos na pagpapanatili at paggamit ng mga pasilidad. Bukod sa mga panguyan, mayroon ding bilyaran, basketball court, videoke, video game, pangingisda at pamamangka at pagsakay sa kabayo tuwing tag-araw.

Lokasyon at Halaga ng Pagpasok

Matatagpuan ang Jed's Island Resort sa McArthur Highway, Gatbuca, Calumpit, Bulacan. Kung lalangoy ng araw, P150 ang bayad ng matanda at P120 naman sa mga bata. Kung gabi, P180 ang bayad ng matanda at P150 naman ang mga bata. May mga kubong nagkakahalaga ng P300 hanggang P3,000 at mga silid na mula P1,500 hanggang P5,000 depende sa laki at tagal ng oras ng paggamit.

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Kategorya:Lakbay-Bayan