Jeanette Aceveda

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ito.

Si Jeanette Aceveda (28 Mayo 1971) ay isang Pilipinong para athlete. Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa women's discus throw F11 sa para athletics sa 2020 Tokyo Paralympics. Hindi siya natuloy sa paglahok dito matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Nakuha niya ang kaniyang personal best na 18.27 meters na naging daan para makasali siya sa Paralympics. Nakatakdang lumaban sa kaniyang event si Aceveda noong ika-31 ng Agosto 2021, ngunit inanunsiyo ng Philippine Paralympic Committee (PPC) noong ika-29 ng Agosto 2021 na nagpositibo siya sa COVID-19. Nagpositibo rin sa sakit ang kaniyang coach na si Bernard Buen.

Bahagi si Aceveda ng Philippine national team mula noong 1997. Nag-uwi siya ng dalawang gintong medalya sa discus at shotput events sa 2014 ASEAN Para Games.

Tatlong taong gulang si Aceveda nang ma-diagnose ang kaniyang retinitis pigmentosa sa isang mata. Kumalat ito sa kabila pa niyang mata kaya siya naging partially blind.

Bukod sa pagiging atleta, mayroong isang massage clinic si Aceveda sa Marikina City kung saan kapwa may mga problema sa paningin ang mga masahista.

Mga Sanggunian


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.