Jamby Madrigal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Jamby Madrigal.

Si Maria Ana Consuelo Abad Santos Madrigal Valade ay kasalukuyang nagsisilbing senador ng Pilipinas. Nahalalal siya noong Eleksyon 2004. Nagdeklara rin siya ng kanyang pagtakbo para sa pagkapangulo sa Eleksyon 2010.

Talambuhay

Ipinganak si Jamby Madrigal noong 26 Abril 1958 kina Antonio Madrigal at Amanda Abad Santos-Madrigal sa Maynila. Dahil nabibilang siya sa isang pamilya ng pulitiko, tinahak din ni Jamby ang daan ng sebisyo publiko. Pinamunuan niya ang iba't ibang institusyong naglalayong ipaalam sa madla ang kahirapan ng mga batang kalye at magtipon ng pondo para sa mga proyektong makapagpapaaral sa mga ito. Noong 7 Disyembre 2002, pinakasalan niya si Eric Jean Claude Dudoignon Valade sa Calatagan, Batangas. Mayo 2008, nag-apila si Madrigal sa korte tungkol sa kawastuhan ng testamento ng pamanang iniwan sa kanya ng bilyunaryong tiyahin na si Consuelo “Chito” Madrigal-Collantes. Ayon kay Madrigal, magkaiba raw ang dalawang lagda sa dokumento. Lumabas rin siya sa pelikulang “Anak-Pawis” na base sa buhay ni Luis Taruc, ang tagapagtaguyod ng Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon (Hukbalahap), kung saan ginampanan ni Madrigal ang papel bilang kanyang lola na si Amanda Teopaco.

Buhay Pulitiko

Si Madrigal ay kasalukuyang namumuno sa apat na kumite ng senado: ang Committee on Environment and Natural Resources; Committee on Youth, Women, and Family Relations; Committee on Cultural Communities; at ang Committee on Peace, Unification, and Reconciliation. Nagsumite rin siya ng mga batas ukol sa edukasyon at kapakanang pambata. Bukod doon, umaaksiyon din siya laban sa pornograpiya at droga. Aktibo rin si Madrigal sa pagsulong ng mga batas na mangangalaga sa likas na yaman ng bansa at magsisiguro sa maigi at maayos na paggamit sa mga ito para sa ikauunlad ng Pilipinas gaya ng kanyang pagtutol sa Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.

Apilasyon

  • Kontra Pulitika Movement - Tagapagsalita
  • Abad Santos Madrigal Foundation Inc. - Tagapagtatag at tagapamahala
  • Books-for-the-Barangay Foundation Inc. - Tagapagtatag
  • ABLE Foundation - tagapamahala

Sanggunian

Panlabas na Kawing

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Kategorya:Politika