Iza Calzado

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Maria Izadora Ussher Calzado, na mas kilala sa tawag na Iza Calzado, ay isang Pilipinang aktres modelo at host. Una siyang nakilala sa paggawa ng mga programa na may tema ng drama at naging popular sa pagganap sa telenobelang “Te Amo, Maging Sino Ka Man”, kung saan ipinareha siya sa banyagang aktor na si Segundo Cernadas. Naging bahagi rin siya ng telepantasyang Encantadia kung saan ginampanan niya ang karakter ni Amihan. Naging kilala rin sa ibang bansa si Calzado para sa pagganap niya sa pelikulang “The Echo.”

Buhay

Ipinanganak si Calzado noong 12 Agosto 1982 at isinunod ang pangalan sa sikat na mananayaw na si Isadora Duncan. Anak si Calzado ng sikat na mananayaw at direktor na si Lito Calzado at Mary Ann Ussher. Nagtapos siya sa mataas na paaralan ng Miriam College at kumuha ng kursong Fine Arts sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kolehiyo.

Karera

Nagsimula si Calzado sa pag-aartista sa programang “Click.” Binigyan ng GMA Network si Calzado ng proyekto kung saan siya ang naging bida. Naging kilala naman siya sa pagganap sa karakter na si Amihan sa telepantasyang “Encantadia.” Napansin ang talento ni Calzado sa pag-arte at dahil dito ay patuloy ang pagbibigay sa kanya ng mga proyekto. Muli siyang ipinareha sa isang banyagang aktor sa pelikulang Batanes, kung saan nakatambal niya si Ken Chu mula sa Taiwan. Isa na rito ay ang pagganap niya sa pelikulang “Sigaw”, na naging matagumpay sa takilya at ginawan ng banyagang bersyon na “The Echo” kung saan siya rin ang gumanap na bida.

Mga ineendorsong produkto

Bukod sa pag-arte sa pelikula at telebisyon, naging modelo rin para sa pag-eendorso ng iba't ibang produkto at serbisyo si Calzado.

  • 2002- Pantene Testimonial Commercial
  • 2002- Globe Telecom, Commercial
  • 2003- A II Z Clothing Co.
  • 2004- HBC, Hortaleza Beauty Exclusives, Commercial
  • 2004- SanSan Cosmetics, Print Ad
  • 2004- Pantene Testimonial, Vignette
  • 2004- Belo Medical Group
  • 2004- JC Martin, Multi-level Mktg Co.
  • 2004- Boston Co. Shoes and Bags
  • 2004- Regatta Clothing Co.
  • 2005- Avon Fragrances
  • 2005- Goldilocks Chicken Barbeque, Commercial
  • 2005- Pantene Testimonial Commercial
  • 2005- Close-up, Vignette

Sanggunian