Ireneo Miranda

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ireneo Miranda (1896-1964) ay ipinanganak sa San Fernando, Pampanga. Siya ay Filipinong pintor, ilustrador, at kartunista.

Nagtapos siya sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts noong 1916. Ang unang trabaho niya ay paggawa ng label at anunsiyo para sa Pacific Commercial Company, subalit nagturo din siya sa U.P. School of Fine Arts. Naging ilustrador siya para sa Liwayway at El Debate, at idinisenyo ang pabalát ng unang labas ng magasin na Graphic. Itinuring siyang pinakamagaling gumamit ng watercolor sa pagdidibuho, at dalubhasa sa paglikha ng mga kartung may bahid ng politika. Tinawag siyang “Dekano ng mga Filipinong Kartunista.”

Sanggunian

Duldulao, Manuel. A Century of Realism in Philippine Art. Quezon City: Legacy Publishers, 1992.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.