Irene Marcos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Irene Romualdez Marcos-Araneta ay ang bunsong anak nina dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at dating Unang Ginang Imelda Marcos. Kapatid niya sina Senador Imee Marcos at Pangulong Bongbong Marcos. Sa kanilang pamilya, siya ang hindi pumasok sa politika at kilalang tahimik lamang. Gayunman, maaalala siya sa itinuturing na pinakamarangyang kasal noong 1983 kung saan ikinasal siya kay Gregorio Maria Araneta III. Ang mag-asawa ay may dalawang anak: sina Alfonson Fernando Luis Araneta at Luis Mariano Constantino Araneta.

Sa paglipas ng mga taon, may mga lumabas na ulat ukol sa mga imbestigasyon sa yaman ng Pamilya Marcos—mga transaksiyon sa panahon ng Batas Militar (na idineklara noong 1972). Lumabas na maraming kuwestiyonableng bank account at transaksiyon sa labas ng bansa gamit ang pangalang Irene Marcos Araneta.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.