Imuthis

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Imuthis ay isang tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Si Imuthis ay isang nagsasalitang ulo na tampok sa palabas ni Ginoong Leeds. Ayon kay Imuthis, marami siyang pinagdaanang paghihirap sa buhay, kabilang na ang pagkatuklas sa isang lihim sa kaniyang pagbabalik sa kaniyang bayan. Pinagbintangan rin siya ng pagkakasalang hindi niya ginawa para maagaw ang kaniyang kasintahan.

Mga Sanggunian

Ang Filibusterismo: Karugtong ng Noli me Tangere, salin ni Patricio Mariano binisita noong 18 Mayo 2021

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.