Imus

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Lungsod ng Imus ay ang opisyal na itinalagang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Kabite, sa Pilipinas. Opisyal na ginawang lungsod kasunod ng isang reperendum noong 30 Hunyo 2012. Ayon sa kita ng lokal na pamahalaan ng Imus noong 2010, ang dating bayan ay nauri bilang isang unang klaseng bahaging lungsod ng Kabite.[1][2] Ayon sa senso ng 2015, ito ay may populasyon na 403,785 sa may 95,234 na kabahayan.

Matatagpuan sa tinatayang 19 km mula sa Kalakhang Maynila, ito ang naging pook ng dalawang pangunahing pagkapanalo ng mga Katipunero noong Himagsikang Pilipino laban sa Espanya. Ang Labanan ng Imus na naganap noong 3 Setyembre 1896, at ang Labanan ng Alapan, noong 28 Mayo 1898, ang araw kung kailan unang ginamit ang watawat ng Pilipinas, na naging dahilan upang itanghal ang Imus bilang "Kabisera ng Watawat ng Pilipinas". Ang dalawang kaganapan ay ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod.

Sentro ng relihiyon sa lalawigan ng Kabite ang lungsod sapagkat sa lungsod matatagpuan ang Diyosesis ng Imus, ang Diyosesis na may hawak sa lahat ng mga simbahan sa lalawigan ng Kabite.

Pinagmulan ng Salitang Imus

Ang pinagmulan ng pangalan ng Lunsod ng Imus ay may 4 na salin.

Ang unang salin ay nanaggaling ang pangalang "Imus" ay mula sa Tagalog na nakakahulugan sa lupa na napapagitnaan ng dalawang ilog. Pinagbasihan ito sa lumang lokasyon ng simbahan na nasa Toclong kung saan napapagitnaan ng Ilog ng Imus at Ilog Julian.

Heograpiya

Pisikal na katangian

May kabuuang sukat na sakop ang Imus na 64.70 km2, tinatayang nasa 6.8% ng kabuuang lupa ng lalawigan ng Kabite.[3][4][5] Naghahanggan ang lungsod sa mga bayan ng Kawit at Noveleta sa hilaga, sa General Trias sa kanluran; sa lungsod ng Bacoor sa silangan at sa lungsod ng Dasmariñas sa timog.[6]

Pagkakahating Pampolitika

Nahahati sa kasalukuyan ang lungsod ng Imus sa 97 mga barangay. Noong 1998, ang bayan ay binubuo ng 21 mga barangay na lumaon ay hinati at naging kasalukuyang 97.

Pagkakahati ng mga Barangay sa Imus [8]
Cluster 1 Cluster 2 Cluster 3 Cluster 4 Cluster 5 Cluster 6 Cluster 7 Cluster 8 Cluster 9
  • Alapan I-A
  • Alapan I-B
  • Alapan I-C
  • Alapan II-A
  • Alapan II-B
  • Bucandala I
  • Bucandala II
  • Bucandala III
  • Bucandala IV
  • Bucandala V
  • Carsadang Bago I
  • Carsadang Bago II
  • Medicion I-A
  • Medicion I-B
  • Medicion I-C
  • Medicion I-D
  • Medicion II-A
  • Medicion II-B
  • Medicion II-C
  • Medicion II-D
  • Medicion II-E
  • Medicion II-F
  • Pag-Asa I
  • Pag-Asa II
  • Pag-Asa III
  • Anabu I-A
  • Anabu I-B
  • Anabu I-C
  • Anabu I-D
  • Anabu I-E
  • Anabu I-F
  • Anabu I-G
  • Anabu II-A
  • Anabu II-B
  • Anabu II-C
  • Anabu II-D
  • Anabu II-E
  • Anabu II-F
  • Bayan Luma I
  • Bayan Luma II
  • Bayan Luma III
  • Bayan Luma IV
  • Bayan Luma V
  • Bayan Luma VI
  • Bayan Luma VII
  • Bayan Luma VIII
  • Bayan Luma IX
  • Bagong Silang
  • Magdalo
  • Maharlika
  • Mariano Espeleta I
  • Mariano Espeleta II
  • Mariano Espeleta III
  • Pinagbuklod
  • Pasong Buaya I
  • Pasong Buaya II
  • Buhay na Tubig
  • Palico I
  • Palico II
  • Palico III
  • Palico IV
  • Tanzang Luma I
  • Tanzang Luma II
  • Tanzang Luma III
  • Tanzang Luma IV
  • Tanzang Luma V
  • Tanzang Luma VI
  • Poblacion I-A
  • Poblacion I-B
  • Poblacion I-C
  • Poblacion II-A
  • Poblacion II-B
  • Poblacion III-A
  • Poblacion III-B
  • Poblacion IV-A
  • Poblacion IV-B
  • Poblacion IV-C
  • Poblacion IV-D
  • Toclong I-A
  • Toclong I-B
  • Toclong I-C
  • Toclong II-A
  • Toclong II-B
  • Malagasang I-A
  • Malagasang I-B
  • Malagasang I-C
  • Malagasang I-D
  • Malagasang I-E
  • Malagasang I-F
  • Malagasang I-G
  • Malagasang II-A
  • Malagasang II-B
  • Malagasang II-C
  • Malagasang II-D
  • Malagasang II-E
  • Malagasang II-F
  • Malagasang II-G

Demograpiko

Senso ng populasyon ng

Imus

Taon Pop. ±% p.a.
1903 12,912 —    
1918 13,940 +0.51%
1939 18,039 +1.24%
1948 23,685 +3.07%
1960 31,660 +2.45%
1970 43,686 +3.27%
1975 48,566 +2.15%
1980 59,103 +4.00%
1990 92,125 +4.54%
1995 177,408 +13.06%
2000 195,482 +2.10%
2007 253,158 +3.63%
2010 301,624 +6.58%
2015 403,785 +5.71%
Sanggunian: PSA

Mga sanggunian

  1. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named Census2010
  2. "LGU Profile - Imus". Local Government Performance Management System. Retrieved on 2012-06-30.
  3. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named Physical
  4. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named QFImus
  5. Cite error: Invalid <ref> tag; no text was provided for refs named QFCavite
  6. "Cities and Municipalities". Cavite Provincial Website. Nakuha noong 2012-06-30.
  7. http://www.imus.gov.ph/barangay-officials/

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Imus. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.