Impluwensiya ng Gomburza kay Jose Rizal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Malaki ang naging impluwensiya ng pagkamatay ng tatlong paring martir o ang Gomburza kay Jose Rizal. Inihandog ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo sa alaala ng tatlong paring ito.

Ang Gomburza

Binubuo ng mga paring sina Mariano GomezJose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora na binitay sa pamamagitan ng garote na wala man lamang abugado noong Pebrero 17, 1872 ng mga Kastila sa mga paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na alaala sa maraming mga Pilipino, kabilang na si Rizal.

Dedikasyon sa El Filibusterismo

Inialay ni Rizal ang kaniyang ikalawang nobelang 'El Filibusterismo para sa Gomburza. Sa kaniyang nobela, isinulat niya ang sumusunod:

Ang Relihiyon, sa pagtanggi na paknitan kayo ng dangal, ay nagbigay alinlangan sa krimen na ibinibintang sa inyo.

Ang pamahalaan, sa pagbabalot ng misteryo at anino sa inyong usapin, upang paniwalaan na ito  ay nagkaroon ng mga pagkakamali, na nagawa sa nakamamatay na sandali.

At ang buong Pilipinas, sa pagpipitagan sa inyong alaala at pagtawag na kayong mga martir,ay hindi kinikilala sa anumang paraan ang inyong pagkakasala.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.