Imee Marcos

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Senador Imee Marcos

Si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos (ipinanganak noong Nobyembre 12, 1955), mas nakikilala bilang Imee Marcos, ay politiko at anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos na nagsilbing pangulo noong 1965–1986. Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang senador na nahalal noong 2019 na kumandidato sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago ni Sara Duterte, inaaasahang magiging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Bahagi rin si Marcos ng Ika-19 Kongreso ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala at inaasahang susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.

Bago naging senador, si Marcos ay nagsilbi ng tatlong termino bilang gobernador ng Ilocos Norte mula 2010 hanggang 2019 at bilang kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte mula 1998 hanggang 2007. Naging tagapangulo rin siya ng Kabataang Barangay noong 1975 hanggang 1986. Siya ay dating kabilang sa partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na parehong partidong sumuporta sa kaniyang ama. Kalaunan ay sumali siya sa alyanasa ng Partidong Nacionalista ni Manny Villar bilang suporta sa kaniyang inang si Imelda Marcos at kapatid na si Bongbong Marcos.

Personal na Buhay

Si Imee Marcos ang panganay na anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Unang Ginang Imelda Marcos. Kapatid niya sina Irene Marcos, Bongbong Marcos, at Aimee Marcos (ampon ng mag-asawa). Si Imee ay kilalang paboritong anak ng kaniyang ama. Siya ay hinirang noon ng ama bilang tagapangulo ng Kabataang Barangay (KB) sa edad na 20. Naging kuwestiyonable ang paghirang kay Imee sapagkat nasa mga edad 15 hanggang 18 lamang ang miyembro ng KB. Maraming kontrobersiya ang ipinupukol sa Pamilya Marcos, na nag-ugat sa mahabang pamumuno at pang-aabuso sa kapangyarihan ng dating pangulo at ng dating unang ginang.

Noong 4 Disyembre 1981, si Marcos ay ikinasal kay Tommy Manotoc, dating atleta at coach ng basketball. Sila ay nagkaroon ng tatlong anak: Fernando Martin “Borgy” Manotoc (modelo), Michael Ferdinand “Mike” Manotoc (abogado), at Matthew Joseph Marcos (politiko). Gayunman, hiwalay sila ay matagal nang hiwalay. Sa kasalukuyan, karelasyon ni Marcos ang negosyante at Singaporean-based na si Marc Chua.

Mga Sanggunian

Bea Cupin. “Mark Chua, Imee boyfriend, still a no-show in House hearing.” Rappler, 25 Septembre 2017, https://www.rappler.com/nation/183293-ilocos-norte-tobacco-funds-mark-chua-imee-marcos/. Accessed 23 Mayo 2022.

Kristian Javier. “What was the role of the first family? A Family Affair.” https://newslab.philstar.com/31-years-of-amnesia/first-family. Accessed 23 Mayo 2022/

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.