Iloilo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Matatagpuan sa Rehiyon ng Silangang Visayas ang Iloilo. Lungsod Iloilo ang kabesera nito. Matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Pulo ng Panay ang Iloilo at nasa kanluran nito ang Antique at ang Capiz sa hilaga. Ang Guimaras ay nasa timog-silangan ng baybayin ng Iloilo.

Binubuo ng 42 munisipalidad at 2 lungsod ang Iloilo. Kabilang sa mga munisipalidad nito ang Ajuy, Alimodian, Anilao, Badiangan, Balasan, Banate, Barotac Nuevo, Barotac Viejo, Batad, Bingawan, Cabatuan, Calinog, Carles, Concepcion, Dingle, Dueñas, Dumangas, Estancia, Guimbal, Igbaras, Janiuay, Lambunao, Leganes, Lemery, Leon, Maasin, Miagao, Mina, New Lucena, Oton, Pavia, Pototan, San Dionisio, San Enrique, San Joaquin, San Miguel, San Rafael, Santa Barbara, Sara, Tigbauan, Tubungan at Zarraga. Kabilang sa mga lungsod ang Passi at Iloilo.

Wika

Ang tawag sa wika ng mga taga-Iloilo ay Ilonggo o Hiligaynon.Gumagamit din sila ng wikang Kinaray-a. Ingles ang ginagamit na wika sa edukasyon.

Sanggunian

  • Iloilo (hinango noong 23 Nobyembre 2007).


Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.