Ilog Tigris

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ilog Tigris (Tigris River) ay isa sa mga ilog na bumubuo sa Tigris-Euphrates river system, kasama ang Ilog Euphrates. Nagmumula ang ilog sa mga talampas ng Armenian Highlands at dumadaloy patungo sa mga disyertong Syrian at Arabian hanggang makarating sa Golpo ng Persia (Persian Gulf). May habang nasa 1,900 kilometro ang Ilog Tigris. Ang kabisera ng bansang Iraq, ang Baghdad, ay matatagpuan sa pampang ng Ilog Tigris. Katulad ng Ilog Euphrates, malaki rin ang papel ng Ilog Tigris sa agrikultura sa mga lugar na dinadaanan nito. Pinagkukunan rin ito ng tubig, at ginagamit para sa hydroelectric power.

Tigris-Euphrates River System

Mahalaga ang papel na ginampanan ng Ilog Euphrates at Ilog Tigris sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan sa rehiyon dahil sa suplay ng tubig na dala nito. Naging matagumpay rin ang agrikultura sa rehiyon dahil sa matabang lupa sa Mesopotamia, na tinatawag ring Fertile Crescent. Katulad ng ibang malalaking ilog, mayroong upper course, middle course at lower course ang Tigris-Euphrates river system. Matatagpuan sa bahagi ng silangang Anatolia ang upper course, habang matatagpuan naman sa bahagi ng hilagang Syria at Iraq ang middle course ng dalawang ilog, at dadaloy sa Iraq hanggang makarating sa dagat.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.