Ilog Euphrates

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ilog Euphrates (Euphrates River) ang pinakamahabang ilog sa kanlurang Asya na may habang 2,800 kilometro. Isa ito sa mga ilog na bumubuo sa Tigris-Euphrates river system, kasama ang Ilog Tigris. Nagmumula ang ilog sa bansang Turkey at dumadaloy patungo sa Syria at Iraq. Umusbong ang Kabihasnang Sumer sa Mesopotamia, na matatagpuan sa lambak na nabuo sa pagitan ng dalawang ilog. Mahalaga ang papel na ginampanan ng Ilog Euphrates at Ilog Tigris sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan sa rehiyon dahil sa suplay ng tubig na dala nito. Naging matagumpay rin ang agrikultura sa rehiyon dahil sa matabang lupa sa Mesopotamia, na tinatawag ring Fertile Crescent. Mahalaga rin ang papel na ginampanan ng Ilog Tigris sa panahon ng Imperyong Romano dahil ito ang naging hangganan ng imperyo sa silangan. Sa kasalukuyan, pinagmumulan ng tensyon sa pagitan ng mga mga bansang Turkey, Syria at Iraq ang ilog dahil sa kagustuhan ng bawat bansa na makontrol ang paggamit sa ilog para sa irigasyon at hydroelectric power.

Tigris-Euphrates River System

Mahalaga ang papel na ginampanan ng Ilog Euphrates at Ilog Tigris sa pag-usbong ng sinaunang kabihasnan sa rehiyon dahil sa suplay ng tubig na dala nito. Naging matagumpay rin ang agrikultura sa rehiyon dahil sa matabang lupa sa Mesopotamia, na tinatawag ring Fertile Crescent. Katulad ng ibang malalaking ilog, mayroong upper course, middle course at lower course ang Tigris-Euphrates river system. Matatagpuan sa bahagi ng silangang Anatolia ang upper course, habang matatagpuan naman sa bahagi ng hilagang Syria at Iraq ang middle course ng dalawang ilog, at dadaloy sa Iraq hanggang makarating sa dagat.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.