Ilog Dilaw

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ilog Dilaw (tinatawag ring Yellow River o Huang Ho River) ang ikalawang pinakamahabang ilog sa sa Asya, sunod sa Ilog Yangtze. Ito rin ang ikaanim na pinakamahabang ilog sa mundo na may habang 5,463 kilometro. Nagmumula ilog sa katimugang bahagi ng lalawigan ng Qinghai sa talampas ng Tibet at binabaybay ang anim na lalawigan at dalawang rehiyon patungo sa Bo Hai sa Dagat Dilaw (Yellow Sea) na nasa hilagang bahagi ng Karagatang Pasipiko (Pacific Ocean). Madalas na umaapaw ang ilog at nagdadala ng baha sa ilang bahagi ng Tsina. Ito ang dahilan sa pagtawag dito na "China's Sorrow" o kaya "The Ungovernable". Nagmula ang pangalan ng ilog sa latak na dinadala nito sa dagat. Malaki ang populasyong sa paligid ng ilog at dumadaloy ito sa ilan sa pinakamatandang siyudad sa Tsina, kabilang ang Lanzhou, Baotou, Xi'an, Taiyuan, Luoyang, Zhengzhou, Kaifeng at Jinan.

Topograpiya

Nahahati sa tatlong bahagi ang Ilog Dilaw: ang "upper course" na dumadaan sa mabundok na bahagi, ang "central course" na dumadaan sa talampas, at ang "lower course" na dumadaan sa kapatagan.

Nagmumula ang Ilog Dilaw sa taas na 15,000 talampakan sa kabundukan ng Bayan Har sa Talampas ng Tibet. Sa bahaging ito, tinatawid ng ilog ang dalawang lawa, ang Lawang Ngoring at Lawang Gyaring. Kapwa mayaman sa isda at tumitigas kapag taglamig ang dalawang lawa. Mula kanluran pa-silangan ang daloy ng ilog sa bahaging ito. Ang gitnang bahagi ng Ilog Dilaw ay tinatayang nasa mahigit 2,900 kilometro at dumadaan rehiyon na sa nasa 60,000 kilometro kuwadrado ang lawak. Mula naman sa Zhengzhou, dumadaloy ang Ilog Dilaw pababa sa mga lalawigan ng Henan at Shandong papunta sa kapatagan ng Hilagang Tsina. Dahil sa mga latak na dala ng ilog, matagal nang maraming naninirahan sa rehiyong ito na isa sa mga pangunahing rehiyong pang-agrikultura ng Tsina. Aabot sa 700 kilometro ang haba ng bahaging ito ng Ilog Dilaw.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.