Ilocos Norte

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Ilocos Norte
Ph locator map ilocos norte.png
Region Rehiyon ng Ilocos (Rehiyon I)
Province : Ilocos Norte
City: 1
Municiplity : 21
Barangays : 557
Areakm2 : 3,399.3 Ika-27 sa maliliit
Kabuuan : 514,241 Ika-48 sa malalaki
Densidad : 151/km² Ika-27 sa mabababa

Ang probinsya ng Ilocos Norte ay nasa rehiyon ng Ilocos. Lungsod Laoag ang kabesera nito na nasa hilagang-kanluran ng isla ng Luzon. Nasa hanggahan ng Cagayan at Apayao pa-silangan, at ng Abra at Ilocos Sur pa-timog, ang Ilocos Norte. Nakaharap ito sa Dagat Timog-Tsina pa-kanluran at kipot ng Luzon pa-hilaga. Ito ay nalikha nang pagtibayin ang Batas Republika na nilagdaan noong 2 Pebrero 1818. Ang lalawigan ng Ilocos ay hinati sa dalawa: Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Bago dumating ang mga Kastila sa bansa ay mayroon nang rehiyon na kinabibilangan ng lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at La Union. Ang lalawigan ng Ilocos Norte ay kilala sa pagmimina ng ginto. Ang mga negosyanteng Hapones at Tsino ay malimit bumisita dito upang mangalakal ng ginto, seramika, aboloryo at seda. Ang mga residente ay pinaniniwalaang nagmula sa Malaysia o Timog Silangang Tsina. Ang lugar nila ay tinatawag na Samtoy, na ang ibig sabihin ay “aming wika.”

Produkto

Ang dating pangunahing ikinabubuhay dito ay ang pagbebenta ng tabako ngunit nang lumaon ay ang pagbebenta ng bawang, sibuyas, kamatis, munggo at bulak ang pinagtuunan ng mga magsasaka upang punuan ang pangangailangan ng mga tao. Kilala din ang lalawigan sa pagbebenta ng mga muwebles at eskultura dahil sa ganda ng mga kahoy na matatagpuan sa lalawigang ito.

Sanggunian

  • Ilocos Norte Philippine Provincial Profile (hinango noong 31 Oktubre 2007).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.

Ilocos Norte Ilocos Norte Ilocos Norte Ilocos Norte Ilocos Norte Ilocos Norte Ilocos Norte