Ille Cave

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ille Cave ay isang kuwebang matatagpuan sa El Nido sa Palawan na pinaniniwalaang nasa mahigit 10,000 na ang edad. Iba't ibang mga artifak tulad ng mga banga, kagamitang bato, seramik at maliliit na singsing na metal at butil na kristal ang natagpuan rito, na maaring mula pa sa Panahong Neolitiko. Naniniwala ang archaelogist na si Wilhelm Solheim na mahalaga ang papel na ginampanan ng Ille Caves sa sinaunang kasaysayan ng Pilipinas at Timog Silangang Asya. Mula noong 1998 ay may iba't ibang proyekto ang Archaeological Studies Program ng Unibersidad ng Pilipinas, ang Pambansang Museo ng Pilipinas at ang Solheim Foundation sa lugar.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.