Ikaw Lang Ang Mamahalin

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ikaw Lang Ang Mamahalin ay isang dating teleserye ng GMA Network. Ito ay isang kuwento ng dalawang magkapatid na ang mga buhay ay nabago sa pamamagitan ng panlilinlang at pag-aari. Ang kuwintas ay ang susi sa pagkatuklas ng kanilang angkan.

Ang Kuwento

"Isang kuwintas, tanikala ng dalawang buhay" Ang mag-inang sina Lilian (Gina Alajar), Mylene (Angelika dela Cruz at Clarissa (Sunshine Dizon) ay naghiwalay ng landas matapos ang sunog na tumupok sa kanilang tirahan. Binigay ni mylene ang kuwintas sa kanyang nakababatang kapatid; ito ang kuwintas na binigay sa kanya ng kanyang ama, si Ferdinand Fuentebella (Albert Martinez). Gayunman, nawalan ng alaala si Mylene, at kinupkop siya ni Meding (Alicia Alonzo), ang kaibigan ni Lilian. Pinangalanan niyang muli ang nakakatandang anak ng kanyang kaibigan bilang "Katherine", bilang alaala sa kanyang anak na nasawi sa isang aksidente. Makalipas ang isang taon, hinangad ni Ferdinand Fuentebella na hanapin ang kanyang tunay na anak. Samantala, pinagtanggol ni Clarissa si Katherine/Mylene sa isang pangyayari; sila'y naging matalik na magkaibigan na naglao'y lumamat dahil sa isang lihim. Nakilala naman ni Ferdinand si Clarissa sa isang aksidente, at nagpanggap si Clarissa na siya si Mylene hanggang sa pinagtagpo silang muli ni Katherine, dahil papasok ang dalaga bilang sekretarya ni Mr. Fuentebella. May pag-asa pa bang malaman ang katotohanan?

Mga tauhan

Iba pang mga tauhan

Espesyal na mga tauhan

  • Veka Lopez bilang batang Katherine Morales
  • Empress Schuck bilang batang Clarissa
  • Andrea del Rosario bilang Melisa
  • Tanya Garcia bilang Jessica
  • Toni Gonzaga bilang Maya
  • Trina Zuñiga bilang Marga
  • Gary Valenciano Ricky bilang Lopez
  • Michael De Mesa bilang Elmo
  • Mark Gil bilang Miguel
  • Glaiza de Castro bilang kaibigan ni Marga
  • Jaime Fabregas bilang Don Joselito
  • Gary Estrada
  • Tricia Roman
  • Paolo Bediones

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.