Ijang

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang mga Ijang ay mga kuta o fortress na matatagpuan sa mga gilid ng mga burol sa mga isla sa Batanes. Pinaniniwalaang ginagamit ng mga Ivatan ang mga ijang bilang moog o kuta laban sa mga sumasalakay na kalaban.

Unang natagpuan ang mga ijang noong 1994 nang magpunta ang grupo ni Eusebio Dizon, ang deputy director ng National Museum of the Philippines sa Batanes para sa isang proyektong arkeolohical. Dito nila natagpuan ang isang burol na hugis tatsulok sa Savidug, sa Sabtang. Tinatawag na ijang ang mga istrukturang ito, na kawangis ng mga kastilyong gusuku na natagpuan sa Okinawa, Japan. Bukod sa parehong nasa matataas na lugar, natagpuan rin ang ilang mga seramiko at beads mula sa China sa lugar, na pinaniniwalaang kaedad din ng mga kastilyo sa Okinawa.

Dating naninirahan ang mga Ivatan sa mga ijang, kung saan rin sila umiinom ng alak na gawa sa tubo, na tinatawag na palek. Gumagamit rin sila ng ginto bilang salapi at namumuhay sa pamamagitan ng agrikultura, paggawa ng mga bangka at paglalayag.

Base sa kasaysayang pasalita sa lugar, hiwa-hiwalay ang mga Ivatan bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Dahil sa away sa pagitan ng iba't ibang angkan, kinailangan nilang magtayo ng mga kuta o moog para protektahan ang kanilang mga angkan. Matatagpuan sa tuktok ng mga ijang ang maraming bato dahil ito ang ginagamit ng mga sinaunang Ivatan laban sa kanilang mga kalaban.

Sa pagdating ng mga Espanyol, nanatili ang mga Ivatan sa paninirahan sa mga ijang, hanggang sa ipag-utos ng gobernador-heneral noong 1790 na manirahan na sila sa mga bayan.

Ilan sa mga Ijang na natagpuan sa Batanes ang mga sumusunod:

  • Itbud Ijang
  • Ivana Ijang
  • Chuhangin Ijang
  • Savidug Ijang

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.