Iñigo Ed. Regalado
Jump to navigation
Jump to search
Si Iñigo Ed. Reyes Regalado, isang makata at mandudula, ay nagtamo ng karangalan bilang isa sa mga natatanging manunulat noong ika-20 na siglo.
Pinagmulan at Edukasyon
Ipinanganak siya noong 19 Marso 1888 sa Sampaloc, Maynila at anak nina Iñigo Regalado y Corcuera at Saturnina Reyes.
Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino.
Mga Akda
Koleksyon ng mga Tula
- Damdamin
- Bulalakaw ng Paggiliw
Maikling Kwento
- Sa Laot ng Kapalaran
- Ang Dalaginding
Iba pang mga gawa
- Isang Panyo Lamang
- Mahiwagang Tao
- Sa Bundok
Mga Parangal
- 1941 Commonwealth Award for Poetry
- Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1963
- Diwa ng Lahi Award, 1972
Sanggunian
- CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
- Iñigo Ed. Regalado. (Hinango noong 8 Mayo 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |