Hukbalahap

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon, na karaniwang tinatawag na HUKBALAHAP ay isang grupong kalaban ng mga Hapon noong nasasakop pa nila ang Pilipinas. Si Luis Taruc ng Gitnang Luzon ang nagtatag ng kilusang ito upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa pagmamalupit ng mga Hapones. Nagkaisa ang pangkat na tawagin ito sa ganitong pangalan. Labis ang paggalang at takot ng mga tao sa kilusan. Nagdulot ng malaking pinsala ang kanilang estratehiyang lusub-takbo sa mga Hapones.

Nagmumula ang lakas ng Hukbalahap sa mga magsasaka at mga manggagawa sa Gitnang Luzon. Isang layunin ng samahang ito ay ang unti-unting pabagsakin ang mga hukbong Hapones.