Hugpong ng Pagbabago

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte sa isang pagtitipon ng Hugpong ng Pagbabago

Ang Hugpong ng Pagbabago (Alliance for Change sa English) ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag noong 2018 ni Davao City Mayor Sara Duterte. Noong una, ito ay itinatag bilang suporta sa administrasyon ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagkakabuo

Ang Hugpong ng Pagbabago ay nabuo noong 2018 sa pangunguna ni Sara Duterte kasama ang ilang gobernador ng Mindanao. Ito ay may layuning palawakin at patatagin ang suporta sa Administrasyong Duterte. Noong Halalan 2019, nakipag-alyansa ang Hugpong ng Pagbabago sa iba pang partidong politikal sa Pilipinas at nag-endorso ng kanilang mga kandidato sa pagkasenador. Siyam sa 12 na kanilang inendorso ay nagwagi sa halalang ito na sina Sonny Angara, Bong Revilla, Pia Cayetano, Ronald Dela Rosa, Bong Go, Imee Marcos, Koko Pimentel, Francis Tolentino, at Cynthia Villar. [1] [2]

Halalan 2022

Isa si Sara Duterte sa mga pinakamaugong na pangalan na posibleng tumakbo sa pagkapangulo sa Halalan 2022. Gayunman, wala pang opisyal na anunsiyo mula sa Hugpong ng Pagbabago ukol sa kandidaturyang ito. Sa kabila nito, may iba pang partido ang nagpahayag na ng suporta kay Sara Duterte kung sakali man itong matuloy sa pagtakbo bilang pangulo tulad ng Lakas-CMD at ng Partido ng Repormang Pantao. [3]

Mga Sanggunian

  1. Edith Regalado. “Sara’s ‘Hugpong’ now a regional political party.” The Philippine Star, 4 Hulyo 2018.https://www.philstar.com/nation/2018/07/04/1830291/saras-hugpong-now-regional-political-party. Accessed 13 Setyembre 2021.
  2. Sarwell Meniano. “Hugpong ng Pagbabago picks 15 senatorial bets for 2019.” Philippine News Agency, 7 Nobyembre 2018.https://www.pna.gov.ph/articles/1053189. Accessed 13 Setyembre 2021.
  3. Pia Ranada. “Amid Sara Duterte hype, 5 political parties seek 2022 coalition with HNP.” Rappler, 7 Hulyo 2021. https://www.rappler.com/nation/elections/political-parties-seek-coalition-hugpong-ng-pagbabago-2022. Accessed 13 Setyembre 2021.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.