Hilda Koronel

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Isa sa mahuhusay na aktres ng Dekada 1970 at 1980 si Susan Reid na mas kilala sa siyobis sa pangalang Hilda Koronel. Ipinanganak siya sa Lungsod Angeles, Pampanga noong 17 Enero 1957. Gumanap sa pangunahing papel bilang si Insiang, sa pelikulang may gayon ding pamagat.

Si Hilda ang pinakabatang nagkamit ng Pinakamahusay na Aktres sa Suportang Pagganap sa Gawad Famas noong 1970 sa edad na 13 anyos para sa pelikulang "Santiago". Matagumpay niyang ginampanan ang mga mapaghamong papel na sumasalamin sa tunay na kalagayan ng mga babae sa lipunang Pilipino. Sumailalim si Hilda sa direksiyon ng mga pinagpipitaganang direktor ng Pelikulang Filipino, gaya nina Lino Brocka, Mike de Leon, at Laurice Guillen, at dahil sa tulong ng mga ito ay kinakitaan si Hilda ng husay sa pag-arte. Hindi kataka-taka kung gayon na kilalanin ang kontribusyon ni Hilda sa industriya ng Pelikula sa paglipas ng panahon.

Ilan sa mga Tinampukang Pelikula

  • Babangon Ako't Dudurugin Kita (VIVA Films, 1989) Direksiyon: Lino Brocka
  • Working Girls (VIVA Films, 1984) Direksiyon: Ishmael Bernal
  • Sakada (Sagisag Films, 1975) Direksiyon: Behn Cervantes
  • Sana, Bukas Pa Ang Kahapon (VIVA Films, 1983) Direksiyon: Romy V. Suzara
  • PX (Trigon Cinema Arts, 1982) Direksiyon: Lino Brocka
  • Kung Mahawi Man Ang Ulap (VIVA Films, 1984) Direksiyon: Laurice Guillen
  • Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanang (Cinema Artists Philippines, 1975) Direksiyon: Lino Brocka
  • Angela Markado (Four Seasons Films, International, 1980) Direksiyon: Lino Brocka
  • Kung Mangarap Ka't Magising (LVN Pictures, Inc., 1977) Direksiyon: Mike de Leon
  • Insiang (Cinemanila Inc., 1976) Direksiyon: Lino Brocka

Sanggunian

  • IMDB (hinango noong 7 Enero 2008).