Hernando Guerrero

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search


Hernando Guerrero
175px
Kaarawan : Alcaraz, Madrid
Kamatayan: 1 Hulyo 1641
inilibing sa ilalim ng Simbahan ng San Agustin


Si Hernando Guerrero ang ikalimang Arsobispo ng Maynila mulang 1635 hanggang 1641. Ipinanganak siya sa Madrid, Espanya. Humawak siya ng maraming posisyon sa orden ng Agustino. Hinirang siyang obispo ng Nueva Segovia noong 1628. Siya ay madasalin, ngunit mainitin ang ulo, at hindi marunong makipag–areglo, kung kaya't marami siyang nakaaway. Dahil sa pagkamatay ni Arsobispo Miguel Garcia Serrano, ang naiwang posisyon nito ay nabakante. Si Guerrero ay nakipag-agawan para sa nasabing posisyon, ngunit nabigo. Hinirang siya noong 16 Enero 1632 at naging ganap na Asobispo ng Maynila noong 23 Hunyo 1635. Nagkaroon siya ng hidwaan kay Hurtado de Corcuera, sa Real Audencia, at sa mga Heswita. Namatay siya noong 1 Hulyo 1641 at inilibing sa ilalim ng Simbahan ng San Agustin.

Kontrobersiyang Kinasangkutan

Umibig si Francisco de Nava, sundalong Espanyol sa Maynila, sa kaniyang aliping Pilipina. Nang malaman ito ni Arsobispo Guerrero ay ipinakuha niya ang babae. upang mailayo si Francisco de Nava sa tukso. Ibinigay ng arsobispo kay Donya Maria de Francia ang babae upang ibenta sa iba. Halos sira ang ulo, nagmamadaling nagtungo si de Nava sa bahay ng donya upang hingin ang kamay ng alipin at pakasalan. Hindi naging maganda ang pag-uusap nila na humantong sa pambubugbog kay de Nava ng mga sundalo ng donya. Binili ng donya ang babae bilang alipin.

Hindi humupa ang galit ni de Nava. Isang araw ay hinarap niya ang babae na kasama ng donya, sakay ng karwahe. Hindi nagustuhan ni de Nava ang mga sagot ang tugon ng babae, kung kaya't pinagsasaksak niya ang ito sa gitna ng lansangan at sa harap ng maraming tao. Tumakas siya at nagtago sa Simbahan ng San Agustin na pinahintulutan ng arbosbispo. Ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Corcuera ang pagdakip kay de Nava sa pamamamagitan ng kaniyang pamangkin na si Pedro Corcuera, opisyal na Espanyol sa Maynila. Pinaikutan at hinalughog ng mga sundalo ang buong Simbahan ng San Agustin kahit pa tumutol ang tagapamahala nito na si Pedro Monroy.

Nahatulang nagkasala si de Nava at ipinabitay sa harap ng Simbahan ng San Agustin. Lumiham si Gobernador Corcuera sa arsobispo upang bawiin ang inihayag nitong inerdiksiyon dahil malapit nang magpasko. Inutos ng hari ang pagpapatapon kay Pedro Monroy sa Pulo ng Hermosa. Kahit binawi ng arsobispo ang interdiksiyon ay hindi nito tinugon ang liham ng gobernador

Panlabas na Kawing

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.