Hermogenes Ilagan
Ipinanganak sa Bigaa, Bulakan, si Hermogenes Ilagan (1873-1943) ang tinatawag na Ama ng Sarsuwelang Tagalog sa bansa.
Ang pagkanta ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Ilagan nung siya ay bata pa. Biniyayaan ng magandang boses na tenor, siya ay naging tiple at naging pangunahing mang-aawit ng koro ng simbahan sa kanilang bayan.
Karera
Isang pari ng parokya sa Sta. Cruz, Maynila, na nagmisa noon sa Bigaa, ang nakadiskubre sa talento ni Ilagan. Matapos nilang magkaroon ng pag-uusap, lumipat ang pamilya ni Ilagan sa Maynila. Nagsimulang kumanta si Ilagan sa simbahan ng Sta. Cruz, at ang naging kapalit nito ay ang kanyang libreng pag-aaral sa Ateneo Muncipal. Ngunit, hindi rin siya nakatapos ng kanyang kurso sapagkat siya ay nadiskubre ng isang grupo ng mga Espanyol na nagsasagawa ng Sarsuwela. At magmula noon, si Ilagan ay napunta na sa drama at teatro.
Matapos sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Espanya at Amerika, bumalik ang grupo ng sarsuwela sa Espanya, at dahil dito, sinimulan ni Ilagan na palaguin sa Pilipinas ang sining ng sarsuwela. Siya ang nagpasimula ng produksyon ng mga sarsuwela sa bansa. Inilaan niya ang kanyang 40 taon para rito, at naging matagumpay naman ang tanghalang Pilipino.
Noong 1902, bumuo si Ilagan nang isang tanghalan ng sarsuwela na tinawag na Compania Lirico-Dramatica Tagala de Gatchalian y Ilagan, na kinalaunan ay pinaiksi ang pangalan sa Compania Ilagan.
Ilang mga Gawa
- Ang Buhay nga Naman
- Ang Buwan ng Oktubre
- Bill de Divorcio
- Dahil kay Ina
- Dalagang Bukid
- Dalawang Hangal
- Despues de Dios
- el Dinero
- Ilaw ng Katotohanan
- Kagalingan ng Bayan
- Venus (Ang Operang Putol)
- Wagas na Pag-ibig
- Sangla ni Rita
- Isang Uno't Cero
- Centro Pericultura
- Panarak ni Rosa
- Lucha Electoral
Sanggunian
- Hermogenes Ilagan . (Hinango noong 7 Mayo 2008).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |