Hello Garci Scandal

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Hello Garci Scandal o Hello Garci ay isang eskandalong politikal na kinasangkutan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2005.

Si Arroyo ay inakusahan ng pandaraya ng 2004 halalan para sa pagka-Pangulo. Ayon sa dating deputy director ng National Bureau of Investigation na si Samuel Ong, ang isang wiretapped recording ng usapan sa pagitan ni Arroyo at opisyal ng Commission on Elections na si Virgilio Garcillano o Garci ay nagpapatunay ng pandaraya ni Arroyo upang manalo ng 1 milyong boto laban sa kandidatong si Fernando Poe sa eleksyon noong 2004.

Noong 27 Hunyo 2005, inamin ni Arroyo na nakipag-usap siya sa opisyal ng COMELEC, at sinabing isa itong "lapse in judgement". Ang kontrobersiyang Hello Garci ang naging saligan ng kasong impeachment na inihain laban kay Arroyo noong 2005, ngunit bigo ang kaso na matanggal sa puwesto si Arroyo.

Isa pang impeachment case ang inihain laban kay Arroyo noong 2006 ngunit natalo sa pagboto sa House of Representatives.

Mga Sanggunian

  • David, Randy (June 12, 2005) "Hello, Garci? Hello, Ma'am" Philippine Daily Inquirer
  • Coronel, Sheila (June 13, 2005) "Yung dagdag, yung dagdag" Philippine Center for Investigative Journalism
  • Coronel, Sheila (June 28, 2005) "Apology in a can of worms" Philippine Center for Investigative Journalism
  • Davis, Leslie (September 7, 2005) "Arroyo claims hollow victory" Asia Times Online

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.