Harana

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Harana ay ang tradisyonal na pagkanta ng isang lalaki sa may ibaba ng bintana ng bahay ng babaeng kaniyang nililigawan bilang pagsuyo at pagpapahiwatig ng kaniyang lubos na pagmamahal sa babaeng kaniyang hinaharanhan. Ito ay kadalasang nagaganap tuwing gabi. Ang romatikong tradisyon na ito ay bahagi ng panliligaw na namana ng mga Pilipino sa mga Kastila.

Ang Hanara ay kilala din bilang Habanera Filipina, isang pag-awit kung saan ang indayog ay may impluwensiya ng Tango at Habanera ng mga Kastila. Ang bersyon ng Kastila ay mas masigla at seductive at ang bersyon ng pilipino ay mas mabagal at romantiko. Ilan sa mga halimbawa ng awit na ginagamit sa harana ay: "Walay Angay", "Ay Kalisud", "No Duaduaem Pay", "Silayan", "Alaala Kita", Bituing Marikit", "O Ilaw" at ang "Sapagka't Mahal Kita" ni Felipe Padilla de Leon.

Paraan

Ang harana ay isang gawaing nakagisnan na ng mga Pilipino at naging tanyag mahabang panahon na ang nakaraan. Noong araw, karaniwan na sa mga taga-nayon ang makarinig ng tinig ng binata habang hinaharana ang dalagang kanyang sinisinta. Ito ay isang pagpapahayag ng binata sa napupusuan niyang dalaga ng kanyang pag-ibig. At kapag siya ay magiliw na pinatuloy ng dalaga sa tahanan nito, ito’y isang tanda na siya’y may pag-asa sa puso ng babaeng sinisinta. Ang panghaharana ng binata kadalasan ay sinasagot din ng dalaga sa pamamagitan ng pag-awit. Sa matiyagang pagdalaw ng binata kalakip ang masuyong pangungusap, nakakamit nito ang pagmamahal ng dalagang iniibig.

Ang gitara ay ang pangunahing instrumentong ginagamit sa paghaharana at kundiman naman ang ginagamit na kanta. Malimit na may kasamang mga kaibigan ang lalaking nanliligaw upang samahan sa pagkanta at makapagbigay ng moral support. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan.

Sanggunian

  • eSerbisyo. (hinango noong Pebrero 5, 2009).
  • Harana. (hinango noong Pebrero 5, 2009).

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.


Harana Harana Harana