Hannah Reyes Morales
Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Hannah Reyes Morales.
Si Hannah Reyes Morales ay isang Pilipinong photojournalist at National Geographic Explorer. Kinilala siya bilang isa sa mga 2021 Nobel Peace Prize Photographer.
Kabataan at Edukasyon
Lumaki si Morales sa Maynila kasama ang kaniyang ina at 12 mga kamag-anak. Habang nag-aaral ng high school, nagturo siya sa mga bata mula sa mga mahihirap na komunidad. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng subject sa photography na naging daan para magkaroon siya ng internship sa European Pressphoto Agency.
Karera
Naglakbay si Morales sa Asya para idokumento ang buhay ng mga indibidwal at pamilya sa mga mahihirap na komunidad. Mula 2013 hanggang 2016, tumira siya sa Cambodia, kung saan idinokumento niya ang bride trade at forced marriages.
Sa Pilipinas, isa siya sa mga sumubaybay sa mga mahahalagang pangyayari sa "war on drugs" ni Pangulong Rodrigo Duterte. Una niyang idinokumento ang mga araw araw na patayan, at kinalaunan ay itinuon niya ang kaniyang pansin sa mga kuwento ng mga pamilya sa mga komunidad kung saan nangyari ang mga patayan.
Kinilala si Morales ng Nobel Peace Center para sa kaniyang kontribusyon sa pagdokumento sa war on drugs. Nakatanggap rin siya ng iba't ibang parangal, at naging tampok ang kaniyang mga retrato sa iba't ibang mga magasin at publikasyon tulad ng The Washington Post, The New York Times, National Geographic, Al Jazeera, The Southeast Asia Globe, Newsweek Japan, CNN Philippines at The Atlantic.
Mga Exhibit
- Season of Darkness - tampok ang mga larawang kuha sa kasagsagan ng war on drugs sa Pilipinas
- Roots from Ashes - layunin nitong mabigyan ng boses ang mga nakaligtas sa mga pang-aabuso at karahasan sa isang bayan sa Maynila sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Eagle Hunters - tampok ang kuwento ng buhay ng kabataan sa Altai Region sa Mongolia
- Shelter from the Storm - tampok ang kuwento ng kababaihang napilitang pasukin ang prostitusyon
Mga Gawad at Pagkilala
- 2021 Nobel Peace Prize Photographer
- 2021 POY Asia, First Place, Cultural Practices, Living Lullabies
- 2020 ICP Infinity Award for Documentary Practice and Visual Journalism
- 2019 Tim Hetherington Visionary Award
- 2019 National Geographic Grantee
- 2019 Joop Swart Masterclass Participant
- 2019 Royal Photographic Society Margaret Harker medal for 100 Photographic Heroines
- 2018 British Journal of Photography Ones to Watch
- 2018 PDN's 30
- 2018 IWMF Reporting Fellow
- 2018 6x6 Program, World Press Photo
- 2017 Chris Hondros Memorial Award (@ Eddie Adams)
- 2017 National Geographic Explorer Leadership and Development Program
- 2016 The GroundTruth Project Climate Change Reporting Fellow
- 2016 SOPA Award for Excellence in Digital Reporting, for Reporting on Human Trafficking at Sea, The Outlaw Ocean New York Times
Mga Sanggunian
- “About”. Hannah Reyes Morales. (Accessed on 2 February 2022).
- Layug, Margaret Claire.“Filipino photojournalist Hannah Reyes Morales ‘honored’ to do this year’s Nobel Peace Prize exhibition”. GMA News Online. (Accessed on 2 February 2022).
- “Filipina, Russian photojournalists to mount Nobel Peace Prize exhibition”. Rappler. (Accessed on 2 February 2022).
- “Hannah Reyes Morales”. Hundred Heroines. (Accessed on 1 December 2021).
- “Hannah Reyes Morales”. Gen T. (Accessed on 2 February 2022).
- “Talk: Hannah Reyes Morales (online)”. The Photographers’ Gallery. (Accessed on 2 February 2022).
- Estrin, James. "Finding Tenderness in Communities Affected by Manila's Anti-Drug War". The New York Times. (Accessed on 2 February 2022).
Pagkilala
![]() |
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |