Halalan ng 1969

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ginanap ang Halalan ng 1969 o 1969 Philippine presidential and vice presidential elections noong ika-11 ng Nobyembre 1969. Sa halalang ito, muling nahalal sa pagkapangulo si Ferdinand E. Marcos. Siya ang huling pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas na tumakbo at nahalal sa ikalawang termino. Ang kaniyang running mate na si Fernando Lopez ay nahalal muli sa ikatlong termino bilang bise presidente ng Pilipinas. Umabot sa 12 ang tumakbo sa pagkapangulo, pero sampu sa mga kandidato ang nakakuha lamang ng 0.01 porsyento ng mga boto.

Dahil labag sa Saligang Batas ang tumakbo sa ikatlong termino, nagkaroon ng constitutional convention noong 1970 para amyendahan ang Saligang Batas. Nagdeklara ng batas militar si Marcos noong 1972, at matapos ang ilang buwan, isang bagong Saligang Batas ang niratipikahan noong 1973. Dahil dito, nanatili sa puwesto si Marcos hanggang 1981. Inalis ang posisyon ng bise presidente sa bagong Saligang Batas, at muli lamang itong naibalik noong 1984.

Sa halalang ito, nakakuha ng 5,017,343 na boto si Marcos, o 61.47 porsyento ng kabuuang boto. Samantala, ang kaniyang katunggaling si Sergio Osmeña Jr. ay nakakuha ng 3,143,122 na boto, o 38.51 porsyento ng kabuuang boto. Samantala, nakakuha si Lopez ng 5,001,737 na boto o 62.75 porsyento ng mga boto, habang ang kaniyang katunggaling si Genaro Magsaysay ay nakakuha ng 2,968,526 na boto o 37.42 porsyento ng mga boto.

Bukod kay Marcos at Osmeña, tumakbo rin sa pagkapangulo ang mga sumusunod:

  • Pascual Racuyal
  • Segundo Baldovi
  • Pantaleon Panelo
  • German Villanueva
  • Gaudencio Bueno
  • Angel Comagon
  • Cesar Bulacan
  • Espiridion Buencamino
  • Nic Garces
  • Benito Jose

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.