Halalan 2022

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Halalan 2022 ay gaganapin sa 9 Mayo 2022, Lunes, para sa pambansa at panglokal na posisyon sa pamahalaan, sa parehong ehekutibo at lehislatibong sangay, maliban sa mga opisyal ng barangay. Kabilang sa mga pagbobotohan sa pambansang posisyon ay ang ipapalit sa kasalukuyang pangulo ng Pilipinas, Rodrigo Duterte, at pangalawang pangulo, Leni Robredo. Sakop din ng halalang ito ang sumusunod na posisyon: senador, kongresista, gobernador, bise gobernador, bokal, akalde, bise alkalde, at konsehal. Nakatakda rin sanang isabay sa halalang ito ang 80 posisyon sa Bangsamoro Parliament of the Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), ngunit ito ay ipinagpaliban at nakatakdang ganapin sa 2025.

Ang Halalan 2022 ang ika-17 halalang pampanguluhan sa Pilipinas mula 1935 at ikapitong sextennial (isang beses kada anim na taon) na halalang pampanguluhan mula 1986.

Opisyal na logo para sa Halalan 2022 ng Komisyon sa Halalan

Ang kasalukuyang pangulo ay hindi na maaaring kumandidato sa pagkapangulo ayon sa Saligang Batas ng 1987. Gayunman, maaari itong tumakbo sa ibang posisyon. Ang posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo ay magkahiwalay na inihahalal kaya maaari silang magmula sa magkaibang partido.

Sistema ng Halalan

Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang halalan ay ginaganap bawat ikaanim na taon mula noong 1992, tuwing ikalawang Lunes ng Mayo. Ang kasalukuyang pangulo ay mayroon lamang isang termino, habang ang pangalawang pangulo ay maaaring tumakbo sa susunod na termino.

Ang kandidatong makakukuha ng pinakamaraming boto ang siyang idinedeklarang panalo. Kapag may dalawa o higit pang kandidato na nakakuha ng parehong dami ng boto, magbobotohan sa kongreso kung sino ang ihahalal na pangulo at pangalawang pangulo. Ang magwawagi sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa Halalan 2022 ay magsisilbi sa loob ng anim na taon mula 30 Hunyo 2022.[1]

Mga Kandidato

Noong 25 Enero 2022, inilabas ng Komisyon sa Halalan [Commission on Elections o Comelec] ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa pinakamatataas na posisyon. Sampung kandidato ang nakalista sa pagkapangulo at siyam sa pagkapangalawang pangulo. Samantala, 64 kandidato naman ang opisyal na nasa listahan sa pagkasenador at 12 lamang ang mapipili para sa puwesto sa Senado. [2]

Pangulo
Pangalan Partido
1 Ernesto Abella Independent
2 Leody de Guzman Partido Lakas ng Masa
3 Isko Moreno Domagoso Aksyon Demokratiko
4 Norberto Gonzales Partido Demokratiko Sosyolista ng Pilipinas
5 Ping Lacson Partido para sa Demokratikong Reporma
6 Faisal Mangondato Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi
7 Bongbong Marcos Partido Federal ng Pilipinas
8 Jose Montemayor Jr. Democratic Party of the Philippines
9 Manny Pacquiao Abag Promdi
10 Leni Robredo Independent
Pangalawang Pangulo
Pangalan Partido
1 Lito Atienza Abag Promdi
2 Walden Bello Partido Lakas ng Masa (PLM)
3 Rizalito David Democratic Party of the Philippines
4 Sara Duterte Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD)
5 Manny Lopez Workers and Peasants Party
6 Willie Ong Aksyon Demokratiko
7 Francis Pangilinan Liberal Party of the Philippines
8 Carlos Serapio Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi
9 Tito Sotto National People’s Coalition
Senador
Pangalan Partido
1 Abner Aguang Independent
2 Ibrahim Albani Workers and Peasants Party (WPP)
3 Mang Jess Arranza Independent
4 Teddy Baguilat Liberal Party (LP)
5 Agnes Bailen Independent
6 Carl Balita Aksyon Demokratiko
7 Lutz Barbo Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban)
8 Herbert Bautista Nationalist People’s Coalition (NPC)
9 Greco Belgica Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan
10 Silvestre Bello Jr. PDP-Laban
11 Jojo Binay United Nationalist Alliance
12 Roy Cabonegro Partido Lakas ng Masa (PLM)
13 John Castriciones PDP-Laban
14 Alan Peter Cayetano Independent
15 Melchor Chavez WPP
16 Neri Colmenares Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
17 David D’Angelo PLM
18 Leila de Lima LP
19 Monsour del Rosario Partido para sa Demokratikong Reporma (PDR)
20 Ding Diaz Partido Pilipino sa Pagbabago (PPP)
21 Chel Diokno Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino
22 JV Ejercito Nationalist People’s Coalition
23 Guillermo Eleazar PDR
24 Ernie Ereño Partido Maharlika (PM)
25 Chiz Escudero NPC
26 Luke Espiritu PLM
27 Jinggoy Estrada Pwersa ng Masang Pilipino (PMP)
28 Bal Falcon Falcone Democratic Party of the Philippines (DPP)
29 Larry Gadon Kilusang Bagong Lipunan (KBL)
30 Win Gatchalian NPC
31 Dick Gordon Bagumbayan Volunteers for a New Philippines (BVNP)
32 Samira Gutoc Aksyon Demokratiko
33 Gringo Honasan Independent
34 Risa Hontiveros Akbayan Citizens’ Action Party
35 RJ Javellana Independent
36 Nur-Mahal Kiram Independent
37 Elmer Labog Makabayang Koalisyon ng Mamamayan
38 Alex Lacson Kapatiran Party (KP)
39 Rey Langit PDP-Laban
40 Loren Legarda NPC
41 Ariel Lim Independent
42 Emily Mallillin PPM
43 Rodante Marcoleta PDP-Laban
44 Francis Leo Marcos Independent
45 Sonny Matula Independent
46 Marieta Mindalano-Adam Katipunan ng Kamalayang Kayumanggi
47 Leo Olarte Bigkis Pinoy Movement
48 Minguita Padilla PDR
49 Robin Padilla PDP-Laban
50 Salvador Panelo PDP-Laban
51 Astra Pimentel PDP-Laban
52 Manny Piñol NPC
53 Willie Ricablanca Jr. PM
54 Harry Roque People’s Reform Party (PRP)
55 Lady Anne Sahidulla PDDS
56 Jopet Sison Aksyon Demokratiko
57 Gibo Teodoro PRP
58 Antonio Trillanes LP
59 Raffy Tulfo Independent
60 Rey Valeros Independent
61 Joel Villanueva Independent
62 Mark Villar Nacionalista Party
63 Carmen Zubiaga Independent
64 Migz Zubiri Independent

Mga Party-List

Narito naman ang opisyal na listahan ng mga party-list group na matatagpuan sa balota. Ang mga ito ay may puwesto sa Kongreso:[3]

  1. Kalipulan ng Maralita at Malayang Mamamayan, Inc. (KAMALAYAN)
  2. Kilos Mamamayan Ngayon Na (KM NGAYON NA)
  3. Philippine Society for Industrial Security (PSIS)
  4. Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP)
  5. Kabalikat ng Mamamayan (KABAYAN)
  6. Home Owners, and Marginalized Empowerment Through Opportunities with neighborhood Economic Realibility (Home Owner)
  7. Kabalikat Patungo sa Umuunlad na Sistematiko at Organisadong Pangkabuhayan Movement (KAPUSO-PM)
  8. PDP Cares Foundation, Inc. (PDP Cares)
  9. Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines Inc. (Marvelous Tayo)
  10. Advocates and Keepers Organizations of OFWs, Inc. (AKO OFW)
  11. United Senior Citizens Koalition ng Pilipinas, Inc. (United Senior Citizen)
  12. Wow Pilipinas Movement (Wow Pilipinas)
  13. Alternatiba ng Masa (Alternatiba)
  14. Ang Buklod ng mga Motorista ng Pilipinas (1-Rider Partylist)
  15. 1st Consumers Alliance for Rural Energy, Inc. (1-CARE)
  16. Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP0
  17. Ako Musikero Association, Inc. (Ako Musikero)]
  18. Ako Bicol Political Party (Ako Bicol)
  19. Philippine National Police Retirees Association, Inc. (PRAI)
  20. Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino (4PS)
  21. Movement of Active Apostolic Guardians Association of the Philippines (MAAGAP)
  22. Avid Builders of Active Nation’s Citizenry Towards Empowered Philippines (ABANTE Pilipinas)
  23. Aktibong Kaagapay ng mga Manggagawa (Aktibong Kaagapay)
  24. Alsa Bisaya
  25. Probinsiyano Ako
  26. You Against Corruption and Poverty (YACAP)
  27. Magdalo para sa Pilipino Partylist (Magdalo)
  28. Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support, Inc. (ACT-CIS)
  29. Hugpong Federal Movement of the Philippines, Inc. (Hugpong Federal)
  30. Talino at Galing ng Pinoy (TGP)
  31. One Coop
  32. Barkadahan para sa Bansa (Barkadahan)
  33. Dumper Philippines Taxi Drivers Association, Inc. (Dumper PTDA)
  34. Malabung Workers Party (Malabung)
  35. BH Bagong Henerasyon
  36. Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa (AKMA-PTM)
  37. Ipatupad For Workers Inc. (IPATUPAD)
  38. Pinatatag na Ugnayan para sa mga Oportunidad sa Pabahay ng Masa (PINUNO)
  39. LPG Marketers Association, Inc. (LPGMA)
  40. Computer Literacy, Innovation Connectivity and Knowledge, Inc. (CLICK Party)
  41. Towards Development and Action (TODA)
  42. Barangay Health Wellness Party (BHW)
  43. Malasakit at Bayaniahn Foundation, Inc. (Malasakit@Bayanihan)
  44. Arts Business and Science Professionals (ABS)
  45. Passengers and Riders Organization, Inc. (Pasahero Partylist)
  46. Agrikultura Ngayon Gawing Akma at Tama (ANGAT)
  47. Solid Movement Towards Comprehensive Change (SOLID-CHANGE)
  48. Bicol Saro
  49. One Filipinos Worldwide Coalition Partylist (OFW)
  50. Akyansa ng mga Mamamayang Probinsiyano (Ang Probinsiyano)
  51. Alagaan Natin Ating Kalusugan (ANAKALUSUGAN)
  52. Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA)
  53. Philippine Educators Alliance for Community Empowerment (PEACE)
  54. Komunidad ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD)
  55. Samahan ng Manggagawa sa Industriya ng Live Events (S.M.I.L.E)
  56. Ang Asosasyon Sang Mangunguma nga Bisaya - OWA Mangunguma, Inc. (AAMBIS-OWA)
  57. Butil Farmer’s Patry (BUTIL)
  58. Lungsod Aasenso Inc. (LUNAS)
  59. Ang Komadrona
  60. Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA)
  61. Social Amelioration & Genuine Intervention on Poverty (SAGIP)
  62. Ang Kabuhayan Partylist (Ang Kabuhayan)
  63. Ang Koalisyon ng Indigenous People (AKO I.P.)
  64. Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA)
  65. Babae Ako para sa Bayan (Babae Ako)
  66. Kusog Bikolandioa (KB)
  67. Gabriela Women’s Party (Gabriela)
  68. Kalinga-Advocacy for Social Empowerment and Nation-Building Through Easing Poverty, Inc. (KALINGA)
  69. Samahan ng Totoong Larong may Puso Foundation (STL)
  70. Rural Electric Consumers and Beneficiaries of Development and Advancement, Inc. (RECOBODA)
  71. Nagkakaisang Pilipino para sa Pag-angat ng Maralitang Manileño (Angat Pinoy)
  72. Ang National Coalition of Indigenous People Action Na! Inc. (ANAC-IP)
  73. Democratic Independent Workers Association (DIWA)
  74. Asenso Pinoy
  75. Pilipinas para sa Pinoy (PPP)
  76. Ang Pamilya Muna (Pamilya Muna)
  77. Mindoro Sandugo para sa Kaunlaran, Inc. (AYUDA SANDUGO)
  78. Pinagbuklod na Filipino para sa Bayan (Buklod Filipino)
  79. Bayaning Tsuper (BTS)
  80. Mother for Change (MOCHA)
  81. Act Teachers Party-list (ACT TEACHERS)
  82. Alliance of Organizations, Networks & Associations of the Philippines, Inc. (ALONA)
  83. Kabalikat ng Hustisya ng Nagkakaisang Manileno (KABALIKAT)
  84. Ang Laban ng Indigong Filipino (ALIF)
  85. One Unified Transport Alliance of the Philippines Bicol Region (1-UTAP BICOL)
  86. Tingog Sinirangan (TINGOG)
  87. Health, Education, Livelihood Program of the Philippines (H.E.L.P. Pilipinas)
  88. Trade Union Congress Party (TUCP)
  89. Parents Teachers Alliance (PTA)
  90. Agimat ng Masa (AGIMAT)
  91. National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (KONTRA BROWNOUT)
  92. Tulungan Tayo (Tulungan Tayo)
  93. Duterte Youth Party-list (Duterte Youth)
  94. ABE Kapampangan (ABEKA)
  95. Kabataan Partylist (KABATAAN)
  96. Malasakit Movement Partylist (Malasakit Movement)
  97. Acts Overseas Filipino OWrkers Coalition of Organizations (ACTS-OFW)
  98. Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM)
  99. Uswag Ilonggo Party (Uswag Ilonggo)
  100. Ako Bisaya Partylist (Ako Bisaya)
  101. Kapamilya ng Manggagawang Pilipino (Kapamilya)
  102. Pusong Pinoy
  103. Construction Workers Solidarity (CWS)
  104. Samahang Ilaw at Bisig (SILBI)
  105. Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC)
  106. Subanen Party-list (SUBANEN)
  107. Ang Kabuhayang Kayang Kaya (AKKK)
  108. Bisaya Gyud Party-list (BG Party-listy)
  109. Pamilyang Magsasaka
  110. COOP NATCCO Party-list (COOPNATCCO)
  111. Filipino Rights Protection Advocates of Manila Movements (Fronliners ang Bida)
  112. Kasama Regional Political Party (KASAMA)
  113. Ako Bisdak - Bisayang Dako (AB-BD), Inc. (AKO BISDAK)
  114. Galing sa Puso Party (GP PARTY)
  115. Bahay para sa Pamilyang Pilipino, Inc. (BAHAY)
  116. Magkakasama sa Sakahan Kaunlaran (MAGSASAKA)
  117. Marino Samahan ng mga Seaman, Inc. (MARINO)
  118. United Frontliners of the Philippines (United Frontliners)
  119. Aangat Kusinerong Pinoy (L.O.G.R.O. Kusinero)
  120. Bangon Philippine Outsourcing (BPO)
  121. Abang Lingkod Inc.
  122. Kusug Tausug
  123. Partidon Lakas ng Masa (PLM)
  124. Moro Ako - OK Party-list (OK Partylist)
  125. Advocacy for Teacher Empowerment Through Action and Harmony Towards Educational Reform (A TEACHER)
  126. Pilipino Society and Development Advocates Commuter-Consumer (PASADA-CC)
  127. OFW Family Club, Inc. (OFW Family)
  128. Angkla: Ang Partido ng mga Pilipinong Marino, Inc. (ANGKLA)
  129. Partido Cocoman (COCOMAN)
  130. Act as One Philippines (ACT AS ONE)
  131. Ako Ilocano Ako (AIA)
  132. Tagapagtauyod ng mga Reporma at Adhikaing Babalikat at Hahango samga Oportunidad para sa mga Pilipino (TRABAHO)
  133. Public Safety Alliance for Transformation and Rule of Law Inc. (PATROL)
  134. Ako Padayon Pilipino Party List (AKO PADAYON)
  135. Abono Partylist (ABONO0
  136. Manila Teacher’s Savings and Loan Association, Inc. (Manila Teachers)
  137. Kooperatiba-Kapisanan ng Magsasaka ng Pilipinas (KOOP-KAMPI)
  138. Kilusang Maypagasa (MAYPAGASA)
  139. People’s Volunteer Against Illegal Drugs, Inc. (PVAID)
  140. Tutok to Win
  141. Bayan Muna
  142. Abante Pangasinan-Ilokano Party (API)
  143. Advocates for Retail & Fashion, textile & Tradition, Events, Entertainment & Creative Sector (ARTE)
  144. Alagaan ang Sambayanang Pilipino (ASAP)
  145. Bunyog Pagkakaisa (BUNYOG)
  146. Akbayan Citizen’s Action Party (AKBAYAN)
  147. Damayan para sa Reporma Tungo sa Inklusibo at Laganap na mga Oportunidad Ngayon (DAMAYAN)
  148. Walang IWanan sa Free Internet Inc. (WIFI)
  149. Cancer Alleviation Network on Care, Education and Rehabilitation, Inc. (CANCER PARTY LIST)
  150. Una ang Edukasyon (1-Ang EDUKASYON)
  151. United Filipino Consumers and Commuters, Inc. (UFCC)
  152. Agri-Agra na Reporma para sa MAgsasaka ng Pilipinas (AGRI)
  153. Maharlikang Pilipino Party (Maharlika)
  154. Anakpawis Partylist (ANAKPAWIS)
  155. 1 Tahanan, Inc. (1TAHANAN)
  156. Turismo Isulong Mo (TURISMO)
  157. Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC)
  158. Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines, Inc. (Senior Citizens Partylist)
  159. Ating Agapay Sentrong Samahan ng mga Obrero, Inc. (AASENSO)
  160. Anak Mindanao Partylist (AMIN)
  161. 1 - Patriotic Coalition of Marginalized Nationals, Inc. (1-PACMAN)
  162. National Firemen’s Confederation of the Philippines (ABB-N FCPI)
  163. An Waray Party List (AN WARAY)
  164. Alliance of Public Transport Organization, Inc. (AP Partylist)
  165. Aksyon Tungo sa Asenso at Pagsulong ng Pilipino (AKAP PINOY)
  166. BUhay Hayaan Yumabong (BUHAY0
  167. Alliance for Resilence, Sustainability and Employment (ARISE)
  168. Igorot Warriors International, Inc. (IWI)
  169. Ang Tinig ng Senior Citizens sa Filipinas, Inc. (Ang Tinig ng Seniors)
  170. Lingkud Bayanihan Party (LBP)
  171. Mindanao Indigenous Conference for Peace and Development (IPEACE EPANAW)
  172. Ang Programang Aasenso Taumbayan - Dream, Act, Participate and Advocate for Sustainable Transformation (APAT-DAPAT)
  173. Ugyon Mangunguma, Mangingisda Kag Mamumugon nga Ilonggo (UMA Ilonggo)

Pagbibilang ng mga Boto

Alinsunod sa Batas Republika 9369, ilulunsad ang Halalan 2022 nang fully automated, tulad noong mga nagdaang halaan mula pa noong 2010. Ibig sabihin, gagamit ng makina sa pagbibilang imbes na tao mula sa (1) pagbibilang ng mga boto sa mga presinto; (2) pagsasama-sama ng mga naging resulta mula sa mga presinto; (3) transmisyon ng mga resulta mula sa mga presinto patungo sa kaukulang canvassing board na lungsod o munisipalidad; (4) pagkambas ng mga resulta mula sa mga presinto sa distrito, lungsod, o munisipal na antas; (5) proklamasyon ng mga nagwagi sa mga distrito, lungsod, o munisipal na antas; (6) transmisyon ng mga resulta kambas mula sa distrito, lungsod, o munisipal patungong provincial canvassing board, at ng mga resulta mula sa lubhang urbanisadong lungsod tungong national canvassing board; (7) ang pagkambas sa mga resulta ng lungsod/munisipal sa panlalawigang antas; (8) proklamasyon ng mga nagwaging kandidato sa panlalawigang antas; (9) transmisyon ng mga resulta mula sa mga lubhang urbanisadong lungsod at lalawigan tungong national canvassing board; at (10) pagkambas sa mga resulta mula sa mga lalawigan at lubhang urbanisadong lungsod, kasama ang mga resulta nuka sa ibang bansa, sa pambansang antas. [4]

Mga Sanggunian

  1. Hartmann, Christoff; Hassall, Graham; Santos, Soliman M. Jr. Nohlen, Dieter; Grotz, Florian; Hartmann, Christof (eds.). Elections in Asia and the Pacific: A Data Handbook, Volume II. Oxford University Press. p. 187. ISBN 0199249598.
  2. John Eric Mendoza. “LOOK: Comelec releases ballot face for 2022 elections.” Inquirer.net, 25 Enero 2022.https://newsinfo.inquirer.net/1544770/look-comelec-releases-ballot-face-for-2022-elections. Accessed 25 Enero 2022.
  3. “Final Listing of Party-List Candidates.” COMELEC, 29 Disyembre 2021. https://comelec.gov.ph/?r=2022NLE/ListsofCandidates/FinalListingPartyList. Accessed 25 Enero 2022.
  4. “2022 National and Local Elections.” COMELEC, 9 Pebrero 2021.https://comelec.gov.ph/?r=2022NLE. Accessed 25 Enero 2022.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.