Gumamela

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang gumamela, hibisko[1], o mababaw[2], may pangalang pang-agham na Hibiscus[3] (Ingles: rosemallow; Kastila: flor de Jamaica) ay isang sari ng mga halamang may mga kasaping uri na kalimitang itinatangi dahil sa kanilang kapansin-pansing mga bulaklak. Tinatawag din silang bulaklak ng Hamayka. Kabilang sa malaking saring ito ang mga nasa 200–220 mga uri ng halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Malvaceae, na katutubo sa maligamgam, hindi gaanong kalamigan o hindi kainitan, subtropikal, at tropikal na mga rehiyon sa buong mundo. Kabilang din sa sari ang mga taunan at pangmatagalan o perenyal na mga mayerbang mga halaman, pati na ang makahoy na mga palumpong at maliliit na mga puno.

Sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. Hibiscus - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Hibiscus, mababaw, gumamela". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Hibiscus.
  3. Sunset Western Garden Book, 1995:606–607.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Gumamela. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.