Guillermo E. Tolentino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Guillermo Estrella Tolentino (1890-1976), isang guro at eskultor, ay Pambansang Alagad ng Sining sa Eskultura ng Pilipinas. Makikita sa kaniyang mga gawa ang pagiging makabayan dahil na rin sa isa siyang tagahanga ni Rizal.

Buhay

Ipinanganak si Tolentino noong 24 Hulyo 1890 sa Malolos, Bulakan at supling nina Isidro Tolentino at Balbina Estrella. Si Mrs. H. A. Bordner ang unang nagturo sa kaniya na gumuhit sa Malolos Intermediate School.

Nagtapos siya sa Manila High School at natamo ang kaniyang Batsilyer sa Sining sa fine arts sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong 1915. Nagpunta siya sa Estados Unidos noong 1919 at nag-aral siya sa ilalim ng isang scholarship sa Beaux Arts School sa New York. Matapos niyang makumpleto ang kaniyang kurso sa Beaux Arts, lumipad naman siya patungong Europa kung saan pumasok siya sa Regge Instituto di Belle Arti.

Naging propesor siya sa UP School of Fine Arts noong 1926 at kinalaunan ay naging kalihim at direktor ng unibersidad.

Mga Obra

  • Bonifacio Monument, 1930
  • UP Oblation
  • estatwa ni Presidente Ramon Magsaysay sa GSIS Lobby
  • Alma Mater sa University of the East
  • Filipinas
  • Immaculate Concepcion
  • Madonna and Child

Gumawa rin siya ng mga rebulto nina Lapu-lapu, Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Jose Rizal, Manuel Quezon, Epifanio de los Santos, A.V.H. Hartendorp, Fernando Amorsolo, Carlos P. Romulo, Jose Cojuangco, Manuel Roxas, Jaime at Sofia de Veyra.

Mga Parangal

  • Sculptor of the Year Award mula sa Philippine Institute of Architects, 1955
  • Award of Merit mula sa United Nations Commission of the Philippines, 1959
  • Rizal Pro Patria Award, 1961
  • Patnubay ng Sining at Kalinangan Award para sa Eskultura, 1963
  • Republic Cultural Heritage Award for Music, 1967
  • President's Medal of Merit, 1970
  • Diwa ng Lahi Award, 1972
  • Pambansang Alagad ng Sining, 1973

Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.