Gregorio Zara

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Gregorio Y. Zara (1902 - 1978) ay isang Pilipinong imbentor ng two-way television telephone o videophone at mahigit 30 gamit sa eroplano tulad ng Earth Induction Compass at Vapor Chamber, ilang enerhiya na ginagamitan ng araw tulad ng Solar Energy Device, Solar Water Heater, Solar Stove at Solar Battery. Siya ang may-akda ng isang physical law of electrical kinetic resistance na tinatawag na Zara effect.

Gantimpala

Dahil ito binigyan siya ng parangal tulad ng Presidential Diploma of Merit (1959), Distinguished Service Medal, Presidential Gold Medal and Diploma of Honor for Science and Research, at Cultural Heritage Award for Science Education and Aero Engineering noong 1966.

Personal na Buhay

Ipinanganak noong Marso 12, 1902 sa Lipa, Batangas si Gregorio. Kinakitaan na ng likas na katalinuhan kaya't nagtapos siya sa elementarya at mataas na paaralan na Valedictorian. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas bago nagpatuloy sa Massachusetts Institute of Technology at nagtapos ng BS Mechanical Engineering. Kinuha niya ang Master's Degree sa Aeronautical Engineering sa University of Michigan.

Ang kanyang Doctorate Degree sa nakuha sa Sorbornne University of Paris. Nabigyan si Gregorio ng Brevet d' Invention Award ng Ministre de Industrie ng Kaharian ng Belgium dahil sa kanyang imbensyong Earth Induction Compass. Ang compass na ito ay nakapagbibigay impormasyon kahit nasa itaas pa ng ere ang eroplano. Siya rin ang nakaimbento ng Vapor Chamber kung saan maaaring pag-aralan at obserbahan ng sinuman ang di-nakikitang (invisible) mga partikulo ng radioactive sources. Ang kanyang Solar Energy Device ay nakapag-iipon (converge) ng sikat ng araw hanggang 3,000 °F at ang kanyang Solar Water Heater na maaaring makapag-init ng tubig hanggang 180°F sa loob lamang ng 7 minuto; ang kanyang Solar Stove na maaaring makapagluto ng iba't ibang pagkain at ang Solar Battery na nakakapag-andar ng radio at electric fan.

Sanggunian

  • Bellis, Mary. Gregorio Y. Zara - Filipino Scientist, Inventors.About.com
  • Profile of Gregorio Zara, (...) "Famous Filipino scientist Gregorio Zara invented the two-way television telephone or videophone (1955)" (...), Inventors.About.com, Agosto 10, 2004
  • First Filipino: Gregorio Y. Zara, (...) "1st Filipino scientist to invent the 1st Videophone (1955); National Scientist (1978)." (...), FirstFilipino.Blogspot.com
  • Dr. Gregorio Y. Zara, Doctor of Science, Clouds in the Afterglow, Geocities.com
  • Zara, Gregorio Y., Doctor of Science in Physics, B.S. Mechanical Engineering/Massachusetts Institute of Technology, 1926, DOST - National Academy of Science and Technology, NAST.DOST.gov.ph
  • Gregorio Zara, Great Pinoys (...) "Gregorio Zara discovered around 1930 the law of electrical kinetic resistance ("Zara Effect"). In 1955 he patented a two-way videophone." (...), GreatPinoys.com
  • Gregorio Y. Zara, Filipino Scientists, A Quiz on Filipino Scientist, House of Inventors (...) "The inventor of the two-way television telephone. Aside from inventing the video-phone, he also invented the electrical kinetic resistance known as the Zara effect. He also invented an airplane engine which used alcohol as fuel. It was first flown at the Manila International Airport on September 30, 1954." (...), Agham.ASTI.DOST.gov

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Gregorio Zara. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.