Golpo ng Aden

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Golpo ng Aden (Template:Lang-ar Template:Transl, Template:Lang-so) ay isang golpo na matatagpuan sa Dagat Arabo sa pagitan ng Yemen, sa timog na baybayin ng Tangway ng Arabia, at Somalia, sa Sungay ng Aprika. Sa hilagang-kanluran, dumurugtong ito sa Dagat na Pula sa pamamagitan ng kipot ng Bab-el-Mandeb, na kung alin ay higit sa 20 milya ang lapad. Ito ay nakikibahagi ng pangalan sa lungsod na daungan ng Aden sa Yemen, na bumubuo sa hilagaing baybayin ng golpo. Sa kasaysayan, ang Golpo ng Aden ay dating kinilala bilang "Ang Golpo ng Berbera", ipinangalan sa sinaunang Somali na lungsod na daungan ng Berbera sa timog na bahagi ng golpo.[1][2] Gayunpaman, nang lumago ang lungsod ng Aden sa kolonyal na panahon, ang pangalan na "Golpo ng Aden" ay sumikat.

Bahagi ang daanang-tubig ng mahalagang rutang pambarko ng Kanal Suez sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at ng [Dagat na Arabo sa Karagatang Indiyano, na may 21,000 mga bapor na tumatawid sa golpo bawat taon.[3] Nakikilala ang golpo sa palayaw na "Iskinita ng mga Mandarambong" o "Pasilyo ng mga Pirata" ("Pirate Alley" sa Ingles) dahil sa malaking bilang ng pandarambong sa lugar na ito.

Mga sanggunian

  1. Dumper, Stanley, Michael, Bruce E.. Cities of The Middle East and North Africa: A Historical Encyclopedia. ABC CLIO, Google Books, 90. 
  2. Houtsma, M. Th. First encyclopaedia of Islam: 1913-1936. Google Books, 364. 
  3. Pirates fire on US cruise ship in hijack attempt: Yahoo! News. Yahoo!. Archived from the original on 2008-12-04. Retrieved on 2008-12-04.

==Pagkilala==

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Golpo ng Aden. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.