Gladys Guevarra

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Talambuhay

Mahusay, mahilig manggaya ng iba't-ibang boses, magaling magpatawa at puno ng talento si Gladys na nakilala at pinasikat ng Eat Bulaga.

Siya ay isang Komedyante at isa ring magaling na mang-aawit. Pinasikat siya ng nangungunang noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga. Enero ng taong 2007 nang mapabalitang iniwan na niya ang Eat Bulaga. Gumawa ito ng malaking ingay at sari-saring pangalan ang nadawit. Kabilang na diyan ay sina Janno Gibbs, Bing Loyzaga at ang EB Babe na si Lian Paz. Tumagal ng halos 5 buwan ang palitan ng maaanghang na salita sa ere, hanggang sa magtungo ng makailang- ulit si Gladys sa Amerika. Noong Mayo 2007, nagtungo siya ng New Jersey upang magkaroon ng show kasama sina Ara Mina at Dennis Trillo upang palawakin pa ang saklaw ng GMA Pinoy TV. Sa kanyang pagbabalik sa bansa, dala niya ang magndang balita na nakita na niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya- si Philip Peredo.

Kapanganakan

  • Ika-22 ng Pebrero, 1977

Lugar ng Kapanganakan

  • Olongapo City, Zambales

Tribya

  • Alam ba ninyo na kilala na si Gladys sa Music Circuit at comedy bars bago pumasok sa Eat Bulaga.