Ginisang Munggo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search
Monggojf.JPG

Ang High Fiber Diet ay may high fiber content na sinasabing mainam para sa mga kaso ng mga may empatso. Makukuha ang mga ito mula sa mga sariwang prutas, gulay, whole grains, nuts, mga pagkaing hango sa butil, at legumes. Ang fiber ay nakatutulong upang mabawasan ang taba at asukal sa blood stream at maiwaksi ang dumi ng katawan upang mahadlangan ang hindi pagkatunaw ng pagkain o ang empatso. Ang ginisang munggo ay isa sa mga ipinapayong pagkain na makatutulong sa mga nakararanas ng ganitong pagkakasakit.

Mga sangkap

  • 2 tasa ng nilutong munggo
  • 1 tasa ng tokwa,hiniwa ng katamtaman at ipinirito
  • 1 tasa ng ampalaya tops
  • 1 kutsarang vegetable oil
  • 1 kutsarang bawang,dinurog
  • 1 piraso ng sibuyas, hiniwa
  • 1/2 tasa ng kamatis,piniga
  • 2 tasa ng hugas bigas
  • asin (tinimpla ayon sa panlasa)

Paraan ng Pagluto

  • Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang pinakuluang munggo at hugas bigas. Pakuluan sa loob ng tatlong minuto.Haluin habang niluluto. Isama ang tokwa at ampalaya tops. Lagyan ng asin, ayon sa panlasa. Lutuin sa loob ng tatlong minuto. Ihain ng mainit para sa anim na katao.

Sanggunian

  • Healing Wonders of Diet.Philippine Publishing House:1999

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.