Ginaw Bilog

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Ginaw Bilog ay isang katutubong makatang Pilipino na kasapi ng tribung Hanunuo Mangyan sa Panaytay, Mansalay, Oriental Mindoro. Siya ay pinagkalooban ng Gawad sa Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) noong 1993 dahil sa patuloy niyang pagtataguyod ng pagsulat ng Surat Mangyan at ng ambahan. Ang Surat Mangyan ay ang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Mangyan. Ang ambahan naman ay ang katutubong paraan nila ng pagsulat ng tula na iniuukit sa kawayan.

Siya ay pumanaw noong 2003.

Sanggunian

Felipe M. de Leon Jr. “SanggunianNational Living Treasures: Ginaw Bilog.” NCCA, https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/culture-profile/gamaba/national-living-treasures-ginaw-bilog/. Accessed 28 Abril 2021.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.