Ginataang Vegemeat

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ginataang Vegemeat ay sinasabing isa sa mga diabetic diet na ipinapayo ng mga bihasa sa kaalaman sa tamang nutrisyon para sa mga maysakit na diabetes. Ang diabetic diet ay mataas sa fiber at mababa naman sa taba o langis.

Mga Sangkap

  • 1/4 kilo ng vegemeat, pakuwadrado, bahagyang pinirito,inalisan ng tubig
  • dalawang kutsara ng bawang,tinadtad
  • 1 maliit na piraso ng luya, hiniwa sa maliliit na bahagi
  • 1 maliit na bay leaf
  • 1 kutsarang vegetable oil
  • 1/2 tasa ng malapot na kakanggata
  • asin (tinimpla ayon sa panlasa)

Paraan ng Pagluluto

  • Pagsama-samahin ang lahat ng sahog maliban sa kakanggata.Pakuluan nang mahina ang apoy hanggang sa mabawasan nang bahagya ang tubig. Idagdag o isama ang kakanggata.Pakuluan ng dalawa hanggang tatlong minuto.Ihain nang mainit. Maaari itong pagsaluhan ng anim na katao.Kung walang makuhang vegetarian meat (vegemeat) ay maaaring ipalit ang isda.

Sanggunian

  • Healing Wonders of Diet.Philippine Publishing House:1999

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.