Gertrude Beckett

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Gertrude Beckett ay isa sa mga babaeng nagkaroon ng maikling relasyon kay Jose Rizal noong panahong siya ay nasa London, Ingglatera.

Pagsasalarawan

Si Gertrude Beckett ay ang pinakamatanda sa magkakapatid na Beckett. Gettie ang tawag sa kaniya ng kaniyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Siya ay inilarawan bilang "buxom English girl with brown hair, blue eyes and rosy cheeks".

Relasyon kay Rizal

Habang si Rizal ay nasa London at sinusulat ang anotasyon ng librong Sucesos de las Islas Filipinas, siya ay pansamantalang nanuluyan sa pamilya Beckett na malapit lamang sa British Museum. Dahil dito, nakilala niya ang dalaga.

Naging malapit si Gertrude kay Rizal sa pamamagitan ng pagtulong niya sa pagpipinta at pag-iiskultura ng binata. Sa panahon naman ng salo-salo ng pamilya, makikita ang kasiyahan ni Gettie sapagkat kasama din nila si Rizal.

Subalit ang relasyon nila ay hindi nagtagal sapagkat napagtanto ni Rizal na siya ay may misyon na dapat gawin. Noong 19 Marso 1889, siya ay nagpaalam sa pamilya Beckett at nagpasyang tumungo sa Paris at para kay Rizal, madami siyang magagandang alaala sa lugar ng mga Ingles. Sa isang banda, bilang tanda ng kanilang maikling relasyon, nag-iwan si Rizal sa dalaga ng isa sa mga natapos niyang obra sa iskultura.

Sanggunian

Zaide, Gregorio F. at Zaide, Sonia M. Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer and Scientist, and National Hero. (Hinango noong Hulyo 27, 2010).

Jose Rizal. ph(Hinango noong Hulyo 27, 2010)

Si Gertrude Beckett ay isa sa mga babaeng nagkaroon ng maikling relasyon kay Jose Rizal noong panahong siya ay nasa London, Ingglatera.

Pagsasalarawan

Si Gertrude Beckett ay ang pinakamatanda sa magkakapatid na Beckett. Gettie ang tawag sa kanya ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Siya ay inilarawan bilang "buxom English girl with brown hair, blue eyes and rosy cheeks".