George Garcia

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si George Erwin Garcia ay isang abogado at bagong hirang na komisyoner ng Komisyon sa Halalan (Commission on Elections o Comelec). Siya ay hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 8 Marso 2022. [1]

Si Garcia ay isa sa mga bantog na pigura sa larang ng election law, kung saan nagsilbi siyang tagapagpayo ng mga prominenteng politiko sa Pilipinas tulad ni Senador Grace Poe. Isa rin siyang propesor sa Lyceum of the Philippines kung saan nagtuturo siya tungkol sa batas. Mayroon din siyang political talk show sa radyo (“Huntahan”) at telebisyon (“Political Watch”) ng UNTV. [2]

Noong 8 Marso 2022, kinumpirma ni Garcia sa Rappler na isa siya sa mga uupo sa tatlong bakanteng puwesto sa Comelec en banc na may pitong miyembro. Sa pagpasok niya bilang komisyoner, may apat na kaso agad siyang haharapin na patungkol sa kandidaturya sa pagkapangulo ni Bongbong Marcos sa Halalan 2022. Samantala, ang iba pang miyembro ng Comelec en banc ay sina Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay. [1]

Mga Sanggunian

  1. 1.0 1.1 “Veteran election lawyer George Garcia is new Comelec commissioner.” Rappler, 8 Marso 2022. https://www.rappler.com/nation/elections/george-garcia-new-comelec-commissioner/. Accessed 8 Marso 2022.
  2. “Attorney George Erwin Garcia.” UNTV web site.https://www.untvweb.com/hosts/atty-gorge-erwin-garcia/. Accessed 8 Marso 2022.

==Pagkilala==

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.