Geminiano de Ocampo

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Dr. Germiano T. De Ocampo (19071987) ay kilala bilang kauna-unahang nakapagpatayo ng ospital para sa mata sa Pilipinas. Siya ang nagtatag ng Philippine Eye Research Institute at Philippine Opthalmological Society at ang De Ocampo Eye Hospital na dalubhasa sa mga sakit sa mata. Siya rin ang imbentor at nagdesenyo ng Cornea Dissector at kauna-unahang nagsagawa ng Cornea Transplant sa Pilipinas. Sa kanyang mahalagang kontribusyon, siya ay pinarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1982.

Isinilang si Geminiano sa Malolos, Bulacan noong Setyembre 16, 1907. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1932.

Ang De Ocampo Corneal Dissector ay naimbento niya taong 1956. Isinulong din niya ang pagpapasa at pagbabago sa Batas Republika (Republic Act) Bilang 349 kung saan ang mga tao ay inaaanyayahan na mag-donate ng mga eyeballs para sa cornea transplant.

Pagkilala

Wikipedia.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Geminiano de Ocampo. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.