Gawad Mabini

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Gawad Mabini ay isang parangal na ipinagkakaloob sa mga Filipino na nag-alay ng natatanging paglilingkod sa ibayong-dagat, o tumulong sa pagpapalaganap ng mga kapakanan at karangalan ng Pilipinas sa ibang bansa. Itinatag itong noong 1974 bilang parangal kay Apolinario Mabini, ang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Unang Republika ng Pilipinas.

Kabilang sa mga ginagawaran ng nasabing parang ang mga kapuri-puring indibidwal na may mahalagang ambag sa paglilikas ng mga mamamayang Filipino sa isang mapanganib na lugar. Iginagawad rin ito sa mga kapuri-puring indibidwal sang-ayon sa probisyon ng mga serbisyong konsular o pangangalaga ng mga mamamayang Filipino. Ang mga indibidwal na may katangi-tanging gawain sa isang pandaigdigang pakikipagkasundo o misyon, at iyong mga nagpapakita ng pinakamainam na tradisyon ng serbisyong pambanyaga ay maari ring makatanggap ng Gawad Mabini.

Isinagawa ang pinakahuling pagkakaloob ng Gawad Mabini noong ika-26 ng Hunyo, 2012.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.