Gaspar de la Torre

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Si Gaspar de la Torre ay ang ika-41 na naging gobernador-heneral ng Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol. Siya ang pumalit kay Fernando Valdes y Tamon. Siya ay naglingkod mula Hulyo 1739 hanggang 21 Setyembre 1745.

Si Torre ay nagmula sa Flanders, Belgium. Siya ay brigadier ng hukbo ng hari at isa sa mga ginoo ng bedchamber ng hari bago nahirang na gobernador-heneral ng Pilipinas.

Ang pangunahin niyang naging layunin bilang gobernador-heneral ay ang mahikayat si Ali Muddin, sultan ng Sulu, na sumunod sa kasunduan na nilagdaan noong 1737 at pahayag ang mga misyonerong Espanyol na maipalaganap ang Kristiyanismo sa kaniyang nasasakupan. Gayunman, hindi pa rin nito napigilan ang mga pag-atake ng mga piratang Moro sa Mindanao, na tinugunan naman ng gobyerno sa marahas ding paraan.

Ang malupit na pamumuno ni Torre ang nag-udyok kay Francisco Dagohoy na simulan ang pag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol noong 1744.

Si Torre ay namatay noong 21 Setyembre 1745.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.