Gary Bejino

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, tingnan ang Gary Bejino.

Si Gary Bejino (ipinanganak noong 6 Nobyembre 1995) ay isang Pilipinong atletang isa sa mga kumatawan sa Pilipinas sa 2020 Summer Paralympics.

Kabataan at Edukasyon

Si Bejino ang ikalawa sa anim na magkakapatid. Isang manggawa ang kaniyang ama habang maybahay ang kaniyang ina. Nang siya ay pitong taong gulang, nagtamo siya ng matinding pinsala sa kaniyang katawan matapos makuryente sa isang kable. Kinailangang putulin ang kaniyang kanang braso at kaliwang binti dahil sa insidenteng ito.

Lumaki si Bejino sa Albay kung saan siya nag-aral sa loob ng apat na taon bago lumipat sa isang foundation sa pangangalaga ng mga pari.

Karera bilang Atleta

Nagsimula sa paglangoy si Bejino nang lumipat siya sa Metro Manila noong 2013. Siya ang kinatawan ng kaniyang paaralan para sa para swimming sa 2013 Palarong Pambansa sa Dumaguete. Nakakuha siya ng tatlong gintong medalya at nakilala ng national coach na si Tony Ong. Lumahok siya sa 2013 Asian Youth Para Games kung saan siya nanalo ng silver at bronze medal.

Nanalo siya ng gintong medalya sa men's 400m freestyle sa 2015 ASEAN Para Games sa Singapore. Muli siyang nakakuha ng gintong medalya noong 2017.

Nakasali siya sa Tokyo Games matapos siyang makakuha ng isang silver at dalawang bronze medals sa 2018 Asian Para Games.

Sa 2020 Paralympics sa Tokyo, si Bejino ang kinatawan ng bansa para swimming Men's 200m individual medley SM6, Men's 400m freestyle S6, Men's 50m butterfly S6 at Men's 100m backstroke S6. Nagtapos siya sa ikalabingapat na puwesto sa Men's 500m butterfly S6; ikalabimpitong puwesto sa Men's 200m individual medley SM6 at ikalabingtatlo sa Men's 400m freestyle SM6. Nagtapos rin siya sa ikadalawampung puwesto sa Men's 100m backstroke S6.

Mga Sanggunian

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.