Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ay isang romantiko, pangmusikang pelikulang Pilipino na napanalunan ng mga gawad mula sa FAMAS at Gawad Urian na nasa ayos ng kapanahunan ng pananakop ng Kastila. Ito ay nasa direksyon ni Eddie Romero, ang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula noong 1977 at gumanap sina Christopher De Leon at Gloria Diaz.

Ito ay isang pelikulang pangkapanahunan na naghahayag ng katanungan ng kakilanlan ng Pilipino sa panahon ng dalawang digmaan--laban sa Espanya at laban sa Amerika.

Mga tauhan

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Christopher De Leon Nicolas 'Kulas' Ocampo
Gloria Diaz Diding
Eddie Garcia Don Tibor
Leopoldo Salcedo
Dranreb Belleza Bindoy
Jaime Fabregas
Rosemarie Gil
E.A. Rocha Kastilang pari
Tsing Tong-Tsai Lim
Johnny Vicar

Buod ng Pelikula

Ang bahay kubo na tinuring tahanan ni Kulas (De Leon) ay nasunog bunga ng kanyang kapabayaan. Sapilitang nilisan ang bukid upang maghanap ng pansamantalang kublihan, nakatagpo siya ng isang paring (Rocha) nagtatago sa isang langkay ng mga magnanakaw. Nakuha nila ang pagkilala sa isa't isa at nakiusap ang pari kay Kulas na arugaan ang kanyang anak sa labas na si Bindoy (Belleza) sa Maynila. Sa kanilang daan patungo sa lungsod, nakatagpo sina Kulas at ang bata ng isang pangkat ng tanghalang panlakbay. Umibig si Kulas sa punong tauhan na si Diding (Diaz). Subali't hindi siya binigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang pag-ibig gayundin ang nararapat niyang tumuloy sa lungsod para sa kasamang bata at kinailangang kumilos nang patungo ang pangkat.

Kasama ang bata sa hila, nakarating si Kulas sa Maynila sa pamamagitan ng bangka. Pinatnubay ni Lim (Tsing), isang Tsinong mangangalakal na nakatagpo niya sa lakbay, siya sa lungsod. Naligaw si Kulas pagkatapos ng paghahatid ng bata sa patutunguhan, hanggang nakatagpo niya muli si Diding, na kasal na sa isang mestisong Kastila na si Don Tibor (Garcia).

Ang isa pang kasawian ay nangyari kay Kulas nang nagkamaling akalain ng mga sundalong Kastila na siya ay tulisan. Siya ay ikinarsel nguni't tumakas na may tulong kapwa-bilanggo, na isang mag-iinog, bago hinatulan siya ng parusang bitay. Samantala, ang Maynila ay nasa gitna ng kasaligutgutan dahil sa pagdating ng mga Amerikano. Bumagsak ang pamahalaang Kastila, at nagpasiya si Kulas na makita si Diding para sa huling pagkakataon. Pagkatapos ng isang maigsing tagpo sa babae, umalis si Kulas, sa paghahagad ng kanyang kinabukasan at ang kanyang kakilanlan bilang isang Pilipino.

Pagsusuri ng pelikula

Ang pelikula ay nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran at riwara ng isang walang pakunwaring batang magbubukid na si Nicolas Ocampo (ginampanan ni Christopher De Leon), Kulas ang kanyang palayaw, na lumalagalag sa pamamagitan ng Rebolusyong Pilipino ng 1896-1898 at ang Digmaang Pilipino-Amerikanong 1899-1901. Ang mga kaganapan ay nagsisilbi bilang mga pagbabago para kay Kulas upang dumating sa isang pangingilakan tungkol sa kanyang kakilanlan bilang isang tao at bilang isang Pilipino.

Mga Parangal

Gawad FAMAS

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na AktorChristopher De Leon

Pinakamahusay na MusikaLutgardo Labad

Pinakamahusay na Pangalawang AktorLeopoldo Salcedo

Nanomina
Pinakamahusay na DirektorEddie Romero

Pinakamahusay na Disenyong PamproduksiyonLaida Lim-Perez Peque Gallaga Pinakamahusay na Pelikula

Gawad Urian

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na DireksyonEddie Romero

Pinakamahusay na Disenyong PamproduksiyonLaida Lim-Perez Peque Gallaga Pinakamahusay na Dulang PampelikulaEddie Romero Roy C. Iglesias Pinakamahusay na Pelikula

Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing AktorChristopher De Leon

Pinakamahusay na EditingBen Barcelon

Pinakamahusay na SinematograpiyaJusto Paulino

Pinakamahusay na MusikaLutgardo Labad

Pinakamahusay na TunogDemetrio de Santos

Pinakamahusay na Pangalawang AktorDranreb Belleza

Pinakamahusay na Pangalawang AktorE.A. Rocha

Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1976
Nanalo
Pinakamahusay na AktorChristopher De Leon

Pinakamahusay na Direksyon sa SiningLaida Lim-Perez Peque Gallaga Pinakamahusay na DirektorEddie Romero

Pinakamahusay na MusikaLutgardo Labad

Pinakamahusay na Dulang PampelikulaEddie Romero Roy C. Iglesias Pinakamahusay na Pelikula

Mga Panlabas na Kawing