Gaddang

From Wikfilipino
Jump to navigation Jump to search

Ang mga Gaddang ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na nakatira sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Isabela sa isla ng Luzon sa Pilipinas. Tinawatawg rin silang Gadam, Gaddanes o Iraya. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagama't handa silang makipaglaban kung kinakailangan.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.

Pagkilala

WikiFilipino logo 150.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.